Advertisers
NABUKING ang bentahan ng ilegal na droga sa isang paupahan, na ipinadadaan sa mga delivery parcel sa Barangay E. Rodriguez, Quezon City, at apat katao ang naaresto.
Sa isang video, mapanonood na aakalaing normal na parcel lang ang inaabot ng isang lalaki sa isang delivery rider sa harap ng kanilang apartment building.
Isa pang lalaki ang nakitang naghihintay sa tapat ng establisimyento, at inabutan din ng package.
Kalaunan, natuklasan ng mga awtoridad na ilegal na droga ang laman ng mga ito.
Nasamsam sa inuupahang unit ng 35-anyos na lalaki ang mga plastic bag at sachet ng shabu, na may halagang mahigit P6.8 milyon.
Sa iba pang pagkakataon, magkakasabay ang mga delivery rider sa pag-pick up ng parcel na naglalaman ng ilegal na droga.
Arestado ang lalaking umuupa sa unit, samantalang pinaghahanap ang isa pa niyang kasabwat sa pagbebenta ng shabu.
Arestado ang tatlong iba pang kasama niya sa unit nang isagawa ang buy-bust.
Nahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang apat na arestado, na nasa kustodiya na ng PDEA.