Advertisers

Advertisers

PH Paralympians humakot ng 5 gold medals sa India

0 14

Advertisers

HUMAKOT ng 15 medalya ang Philippine delegation mula sa 2025 New Delhi World Para Athletics Grand Prix sa India.

Ang laro ay ginanap sa Jawaharlal Nehru Stadium simula Marso 11 hanggang 13, tampok ang para athletes mula sa 20 bansa.

Sa pahayag ng Philippine Paralympic Committee (PPC) Huwebes ng gabi, ang national team ay nagwagi ng 5 golds, 6 silvers,at bronze medals mula sa paligsahan.



Ang team ay pinamunuan nina Cendy Asusano at Jerrold Mangliwan, na kinulekta ang lahat ng limang gold medals para sa bansa.

Asusano,na kabilang sa Paris Paralympic nakaraang taon, nagbulsa ng three gold medals sa women’s shot put F54; women’s javelin throw F53, F54, F56; at sa women’s discus throw F54.

Mangliwan, na isa ring Paralympics, ay nagwagi ng gold medal sa men’s 400 meters T52, T53, T54 at ang men’s 800 meters T52, T53, T54.Nagwagi rin siya ng silver medal sa men’s 1,500 meters T52, T53, T54.

Samantala, Marites Burce, nakupo ang silver medal, sa likuran ni Asusano, sa women’s discus throw F54.

Ang iba pang Filipino medalist ay sina Maekel Lita,nagwagi ng bronze sa men’s discus throw F56, F57; Jolan Camacho, nagwagi ng silver medal sa men’s long jump T12; Cyril Ongcoy, nagwagi ng silver sa men’s 1,500 meters T11, T12; King James Reyes, nagwagi ng bronze sa men’s 1,500 meters T46; at Arvie Areglado, nagwagi ng silver sa men’s T47.