Advertisers

Advertisers

Panglimang ‘Super Health Center’ pinasinayaan ni Mayor Honey

0 15

Advertisers

PINASINAYAAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang panglimang super health center na itinayo sa panahon ng kanyang administrasyon. Ang unang apat na super health centers ay kinabibilangan ng Aurora Health Center sa District 1; Tayabas Health Center, District 2; San Sebastian Health Center, District 3, Pedro Gil Health Center, District 5. Mayroon pang dalawa na itinatayo.

Kapuna-puna na ang lahat ng super health centers na itinayo ay may mga pasilidad kung saan ang mga ito ay puwedeng mag function tulad ng mini- hospitals para mas lalong mapagsilbihan ang mga residente sa lugar kung saan ito itinayo.

Ayon kay Lacuna, ang Lanuza Health Center na nasa District 3, ay mayroong surgical room, vaccine ref , walk-in chiller at iba pa.



Sa nasabing inagurasyon, ang alkalde ay sinamahan nina Vice Mayor Yul Servo, Congressman Joel Chua, City Councilors Fa Fugoso and Maile Atienza, Manila Chinatown Barangay Organization head Jeff Lau, Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan, Lanuza Health Center physician-in-charge Dr. Elmer Ulanday and barangay officials, Lacuna took price in the new super health center from whom the residents stand to benefit in so far as their medical needs are concerned.

“Sa pagpasok pa lang ninyo ay mayroon ditong magandang reception lobby at nilagyan na rin ng lift para sa ating mga PWDs sa kanilang pag-akyat sa ikalawang palapag. Doon naman sa itaas ay mayroon pa ring reception lobby, nandun ang pharmacy, ang records room, mayroon ding surgical room, sterilization room, treatment room, dental room, extraction room, supply room at mga storage rooms. Mayroon na ring lugar para sa laboratory at mga medical clinics,” ayon kay Lacuna.

Ang pagtatayo ng mga super health centers ay bahagi ng pagpapalakas ng mga ginagawa ng lokal na pamahalaan na palakasin pa ang city’s health centers sa pagkakaloob ng epektibong primary health care para sa mga residente ng kabisera ng bansa .

“Dahil po sa ang inyong lingkod ay isang doktor, prayoridad ng ating administrasyon ang pangangalaga sa kalusugan ng ating mga kapwa Manilenyo. Minabuti nating mabigyan ang lahat ng health centers ng basic laboratory units upang yung mga simpleng blood tests ay maisagawa na sa health center pa lang at di na ninyo kakailanganing pumila pa sa mga ospital,” pahayag pa ni Lacuna .

At bilang pagtalima sa Universal Health Care, sinabi ng lady mayor na importante para sa mga residente na ang kanilang health centers ay nag- entertain din ng mga nais na mag register sa Philhealth, dahil makakuha din ng free, basic maintenance medicines mula sa centers ang mga registered patients.



Binigyang diin ni Lacuna na ‘prevention is always better than cure’, sa pamamagitan ng health centers, ang mga residente ay sigurado na ang kanilang kalusugan ay mababantayan at mapapancalagaan habang iniiwasan ang paglaganap ng sakit dahil may mga nakahandang bakuna kahit ba sa sanggol at nakatatanda.

“Kaya huwag sana kayong magdalawang-isip na bumisita sa inyong health center upang makapag-avail na ating primary health care services. Libre po lahat ng serbisyo ng ating Manila Health Department. Ito ang alay namin sa inyo, ang tapat at totoong serbisyo na may mataas na kalidad para sa bawat Manilenyo,” saad pa ni Lacuna. (ANDI GARCIA)