Advertisers

Advertisers

Letran winalis ang LPU sa women’s volleyball

0 13

Advertisers

NANATILING walang dungis ang Colegio de San Juan de Letran sa four games matapos walisin ang Lyceum of the Philippines University,25-18, 25-18, 26-24, sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament sa Arellano University gym sa Manila.

Vanessa Sarie umiskor ng 17 points tampok ang eight digs at seven excellent receptions upang pamumunuan ang lady Knights, habang Judiel Nitura may 16 points para sa Letran na umangat sa 4-0.

Stacey Lopez pinamunuan ang LPU sa iniskor na 10 points para sa lady Pirates na nadulas sa 1-4.



Bago ito, winalis rin ng Letran Knights ang LPU,25-16, 25-18, 25-20, para bumalik sa win column matapos ang back-to-back losses laban sa Mapua University at De La Salle-College of Saint Benilde.

Vince Himzon pinamunuan ang Knights sa iniskor na 15 points tampok ang 10 attacks, habang si Ralph Lorenz Vicente may 11 points para sa Letran na nag improved sa 2-2.

Samantala, John Bert Cielo, umiskor 13 points upang pangunahan ang opensa ng Pirates na nanateling winless sa five games.

Haharapin ng Letran teams ang Emilio Aguinaldo College sa susunod na Huwebes.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">