Advertisers
Hindi si LeBron James gaya ng iniisip ng marami ang highest paid cager sa NBA. Ang kontrata ni LBJ ay $48.7 lang
Si Stephen Curry ang pinakamalaki ang suweldo sa ngayon. May sahod siyang $55.8M. Numero dos at tres sina Nikola Jokic at Joel Embid sa halagang $51.4. Pang-apat sa listahan si Kevin Durant na may $51.2 at panglima di Bradley Beal na $50.2.
Ang isa pang mas mataas kay King James ay si Jaylen Brown (49.7). Pati si Devin Booker (49.2) na kapantay nina Kawhi Leonard, Paul Geeorge at Karl Anthony Towns. Samantala ang kay Jimmy Butler (48.8) na kaparehas ng kina Giannis Antetokounmpo at Damian Lillard.
Sa talaan na may $40¡·plus ay kasali sina Trae Young, Rudy Gobert, Luka Doncic, Kyrie Irving at Anthony Davis.
Dito sa atin mahirap malaman ang kinikita ng basketbolista sa PBA. Ang nakasulat sa
UPC ay malayo sa katotohanan. Ang opisyal na suwelduhan sa mga bida ay nasa P400k/buwan lang pero nasa milyon na yan.
Tinataya na si JuneMar Fajardo ang best paid na Pinoy.
Sina Dwight Ramos, Kai Sotto, Kiefer Ravena at iba pa ay malaki pa sa max sa PBA kaya oks sila kahit sa ibayong dagat.
***
Mayroon pa kayang personalidad sa PBA at sa buong Pinoy sports world na pro-Duterte? Arestado na kasi ng ICC ang dating pangulo at nasa kulungan na sa The Hague? Kung noon walang gaanong maingay now pa kaya may magsalita? Ito lanan ng mga balita ng traditional at social media.
Tingnan din natin kung may didikit pa kay Sen Bong Go na sobrang lapit kay RRD.
Malinaw na sa lahat na magkalabang mortal ang dati at kasalukuyang nakatira sa Palasyo.
Eh yun kayang sumuporta kay LGR noong 2022 ay maghayag kaya ng saloobin?
Tingnan natin sino matatapang diyan gaya ng mga kasapi sa NBA na may parating opinyon sa pulitika at pinopost nila sa kanilang Facebook, instagram. at X.
***
Nahulog na Lakers mula sa pangalawa sa Western Conference ng NBAb at napunta sa pang-apat. Ito ay dahil sa tatlong sunod na pagkatalo.
Habang nagpapagaling si LeBron James at dalawa pang bahagi ng kanilang starting five ay mahihirapan talaga silang manalo.
Posible pa silang malaglag at mawala ang homecourt advantage sa first round ng playoffs.
Sa tingin ni Tata Selo ay hindi naman sila mapupunta sa play-in. Sana nga.