Advertisers

Advertisers

College degree, pwede na kahit di nag-kolehiyo – Konsi Bong Marzan

0 15

Advertisers

DAHIL isa ang edukasyon sa itinataguyod ni Asenso Manileño candidate for Councilor sa District IV, Konsi Bong Marzan ay labis nitong ikinatuwa ang kababagong lagdang batas na naglalayong magkaron ng college degree o titulo sa kolehiyo ang mga Manileño sa pamamagitan ng pag-a-accredit ng kanilang work experience, Isang mahalagang hakbang upang gawing mas accessible ang edukasyon sa mga Filipino.

Pinasalamatan at pinuri ni Marzan si Manila 6th District Rep. Bienvenido ‘Benny’ Abante Jr., na siyang may likha ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program o ETEEAP Act na kamakailan ay nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr,.

Sa pamamagitan ng batas na ito, ay maaari ng magkaroon ng college degree ang isang indibidwal na mayroon limang taon karanasan sa pagtatrabaho nang hindi na kailangang pumasok sa tradisyunan na classroom setting.



Binanggit pa ni Marzan na napapanahon ang nasabing batas kung saan isa si Rep. Abante sa mga pangunahing may akda, dahil binibigyang halaga ng nasabing batas ang opurtunidad para sa mga walang kakayahang pinansyal na mag-aral ng kolehiyo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng totoong buhay na karanasan sa trabaho.

“Higit na pakikinabangan ‘to ng mga working students na ‘di natapos ang pag-aaral dahil sa conflicts sa schedule ng trabaho at pasok sa eskwela, pati na rin ang taas ng matrikula, pahayag ni Marzan.

“Tama po si Cong. Abante sa sinabi niya …”Education should not be limited by financial constraints or life circumstances. Through this law, we are opening another door for Filipinos to attain higher education and improve their lives.”

Sa ilalim ng nasabing batas, ang qualified applicants ay i-a- assessed base sa kanilang skills, training, at experience, kung saan ang accredited higher education institutions ang maga-grant sa kanila ng equivalency credits para sa kanilang degree.

Ang Commission on Higher Education (CHED) ang siyang naatasan na namahala sa implementasyon ng programa, kabilang na ang financial assistance para sa kwalipikadong aplikante. (ANDI GARCIA)