Advertisers

Advertisers

Bumabaha ng fake news sa social media

0 4,241

Advertisers

BUMABAHA ngayon ng fake news sa social media, mga banat kay Pangulong “Bongbong” Marcos at PNP-CIDG chief Major General Nicolas Torre lll.

Obviously mga troll o mga bayarang netizen na nagtatago sa mga pekeng account ang nagpapakalat ng fake news kaugnay ng pagkaaresto ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulo “Digong” Duterte na nahaharap sa ‘Crimes Against Humanity’ sa international court na nakabase sa The Hague, Netherland.

Sinisisi ng mga fucking fake news maker si PBBM sa pagkaaresto kay Digong. Pinayagan daw kasi ni PBBM na kunin ng banyagang korte ang kanilang poong Digong. Nilabag daw ni PBBM ang batas sa Pilipinas sa pagsuko kay Digong sa ICC.



At dahil si Torre ang namuno kasama ng International Police sa pag-aresto kay Digong, inulan ito ng mga mura mula sa pamilya mismo ni Digong at Duterte diehard supporters (DDS).

Kung ano-anong fake news ang ikinalat ng Duterte trolls, katulad ng rali kuno ng mga tagasuporta ni Duterte sa Netherlands. Eh na-check na rally sa Serbia yung inilabas nilang video na may background ng mga sumsigaw ng Duterte! Duterte! Duterte!

Naglabas din ng fake temporary restraining order ng Korte Suprema ang DDS trolls. Kaso naglabas ng pahayag ang Korte Suprema na wala silang inilabas na TRO.

Naglabas din fake news ang DDS trolls na nagsi-resign ang mga pulis at militar sa pagkaaresto ng ICC kay Digong. Pero sabi ng PNP at AFP walang nag-resign na miembro ng kanilang organisayon.

Yung policewoman daw na nakunan ng video na nag-iiyak habang inaaresto si Digong ay hindi iyon umiiyak kundi nagpupunas lamang ng pawis sa mata at mukha.



Pati ang anak ni Digong na si “Kitty” ay nagkalat ng fake news , na wala raw sa selda ng ICC ang kanya ama, kaawa-awa raw ang kalagayan nito at nasa mahinang pangangatawan. Eh naglabas ng pahayag ang ICC na pina-checkup si Digong at nasa 100 percent itong maayos ang kondisyon, at ipinakita rin ang kanyang kuwartong kulungan na kumpleto sa kagamitan, airconditioned at malaya ang dating pangulo na makipag-usap sa kanyang mga abogado sa pamamagitan ng gadgets. Maluwag din siyang bisitahin ng kanyang pamilya. Nandoon na nga si Vice President Sara Duterte-Carpio.

***

Malabong mapabalik sa bansa ng Korte Suprema si Digong.

Ito ang sabi ni retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.

Ang sakop daw ng kapangyarihan ng Korte Suprema ay hanggang sa mga korte sa Pilipinas lamang.

Ang ICC ay isang international court kaya hindi ito maaring atasan ng Korte Suprema ng Pilipinas.

Sinabi rin ni Carpio na walang nilabag na batas sa Pilipinas ang pagsuko ng gobierno kay Duterte sa ICC. Nasa proseso raw ang lahat.

Ang kaso ni Duterte, ayon sa ICC, ay aabutin ng hanggang siyam na taon ang paglilitis. Kapag napatunayang nagkasala siya sa ‘crime against humanity’, mahahatulan siya ng hanggang 30 years. Si Duterte ay mag-79 na ngayong taon.

***

Dalawa pang dating Chief PNP ang inaasahang maiisyuhan ng ICC arrest warrant. Ito’y sina reelectionist senator “Bato” Dela Rosa at Oscar Albayalde.

Si Bato ang unang nagpatupad ng madugong ‘war on drugs’ nang maupo siyang Chief PNP pagkapanalong pangulo ni Digong noong 2016. Pagretiro niya ng 2018, ipinalit sa kanya si Albayalde, na nagre-resign naman after one year nang isangkot ito sa kalakalan ng iligal na droga.

Hindi na mahagilap ngayon sina Bato at Albayalde.