Advertisers

Advertisers

Pulis, sugatan sa buy-bust ops

0 15

Advertisers

Todas ang isang tulak samantalang sugatan din ang isang pulis nang magkaroon ng engkuwentro sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. San Andres, Cainta, Rizal, madaling araw nitong Miyerkoles.
Ayon sa report, 2:00 ng madaling-araw nang isagawa ng mga intel operatives ng Cainta police ang buy-bust operation laban sa isang suspek na nagngagangalang Diether sa Alley 73, Kabisig Bermai.
Subali’t ang nadatnan ng mga operatiba ang lima kataong binubuo ng apat na lalaki at isang babae na kaagad nakatunog na mga pulis ang kanilang katransaksyon.
Agad pinaputukan ng isa sa mga suspek na nakilalang si alyas Michael ang mga operatiba at tinamaan ang pulis na si PCPL Mark Abagon.
Dito na gumanti ng putok ang mga intel operatives na ikinasawi ng suspek.
Naaresto naman ang mga kasama nito na sina alyas Richard, 25 taong gulang; Noel, 55; Aldon, 48, at Rhona, 26; lahat ay residente ng Blk 26 Bermai, Kabisig Floodway, Barangay San Andres, Cainta.
Inihahanda na ang kaso laban sa mga naarestong suspek.