Advertisers

Advertisers

PROGRAMA NI PBBM SA PAGPAPABABA NG PRESYO NG BILIHIN, SUPORTADO NG A-TEACHER PARTYLIST

0 20

Advertisers

NAGPAHAYAG ng suporta si Ateacher partylist nominee, Virginia Rodriguez sa mga programa at inisyatiba ng Marcos administration na layong mapababa ang presyo ng pangunahing bilihin kabilang ang bigas at iba pang agricultural products.

Dahil sa pagbaba ng presyo ng bilihin, bumaba rin ang naitalang inflation rates noong Enero at Pebrero na napanatili sa minus 2.3 percent kumpara sa minus 2.8 percent noong Hunyo 2020 ayon sa ulat ng Department of Agriculture.

Ayon kay Rodriguez, bunsod din ito ng mga hakbang ng pamahalaan at pakikipagtulungan ng ATeacher partylist na nagkakaloob ng organic fertilizers, livelihood programs, at seminar sa mga magsasaka upang matuto silang gumamit ng modern agricultural machines at modernong mga technique sa pagsasaka.



Maliban sa pagtulong sa sektor ng agrikultura, isinusulong din ni Rodriguez ang mas maayos na sistema sa edukasyon sa bansa at ang pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan.

Layunin ni Rodriguez na maisulong ang cancer-free nation sa pamamagitan ng all-organic vitamins na makatutulong para maiwasan ang sakit na cancer at iba pang karamdaman,

Sinabi ni Rodriguez na bahagi rin ng kaniyang adbokasiya ang pagkakaloob ng libreng edukasyon sa lahat ng mag-aaral sa bansa at pagkakaroon ng free meal programs sa mga paaralan.

Nais din ni Rodriguez na matugunan ang pangangailangan ng mga guro partikular ang pagkakaloob sa kanila ng libreng dalawang sako ng bigas kada buwan at pagsigurong mayroon silang access sa libreng wifi dahil mahalaga ito sa kanilang pagtuturo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">