Advertisers

Advertisers

MGA GUWARDYA AT HOMEOWNERS NG MVHAI, MULING ‘NAGKAGIRIAN’ SA PARANAQUE

0 77

Advertisers

MUNTIK nang sumiklab ang tensiyon sa pagitan ng mga guwardya at mga homeowners ng isang subdibisyon makaraang pagbawalan silang makapasok sa loob ng Multinational Village Homeowners Association Inc. (MVHAI) clubhouse upang samahan ang Sheriff na suriin kung pinatupad ng kasalukuyang namumuno ang kanyang inihaing Writ of Execution noong Pebrero 3,2025.

Nang magtungo si Roland Gabayan ng Human Settlements Adjudication Commission (HSAC) sa MVHAI clubhouse, siya ay hindi pinayagan ng mga guwardiya na makapasok sa main entrance ng gusali kasama ang ilang homeowners, dito ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo at diskusyon.

Humupa lamang ang tensyon nang magkasundo ang mga abogado ng MVHAI at abogado ng kasalukuyang namumuno sa isang close door meeting sa security office.



Ayon kay Gabayan tanging ang mga abugado na ng magkabilang panig ang siyang maglabas ng pahayag ukol sa naganap na pagpupulong.

Tiniyak din ni Gabayan na lahat ng napag-usapan sa pulong at naganap sa kanyang pagsasagawa ng inspeksyon at pagtrato sa kanya ng security team ay kanyang iuulat sa kanyang mga boss.

Ipinauubaya na rin niya ang pagpapalabas ng desisyon sa kanyang natuklasan o nalaman sa isinagawang inspeksyon nito.

Noong nakalipas na buwan, hindi napigilan ang emosyon ng mga homeowners na matagal ng sumisigaw ng hustiya laban kay Arnel Gacutan na umanoy hindi na karapat-dapat pang manatili sa puwesto bilang Pangulo ng MVHAI dahil sa ‘perpetual disqualification’.

Hanggang sa kasalukuyan ay pinagtataka ng mga residente ang pananatili ni Gacutan sa puwesto sa kabila ng desisyon. Buong paniwala ng mga resisdente na mayroon silang karapatang pumasok sa clubhouse bilang ‘homeowners’ ng nabanggit na subdibisyon.



Bukod dito, dapat gawin ni Gacutan ang pagbaba sa kanyang puwesto dahil tanging ang Court of Appeals lamang ang puwedeng kumuwestiyon sa naging desisyon ng HSAC dahil ito ay maituturing final and executory.

Ang naturang Writ of Execution ay naglalaman na inuutusan ang kasalukuyang board na payagang buksan at busisiin ang libro ng asosasyon. (JOJO SADIWA)