Advertisers
Sabik na rin kayo sa pagbabalik ni Yorme Francisco “Isko Moreno” Domagoso, mga Batang Maynila?
Kung ang sagot nyo ay “Yes” at aba, wag kalimutan ang numero ni Kois sa balota sa Mayo 12, 2025!
Alam ng inyong lingkod, kasama ang pinakamaraming Manilenyo sa pagtitiwala na maibabalik ni Yorme Isko ang dating ningning ng Maynila, kasi nga, nakita na, naramdaman na at kinasasabikan na ang pagbabalik niya.
Sa mga kandidatong alkalde, e wala namang iba pa — tanging si Yorme ang may kakayahan, may capability, at may karanasan at may totoong karakter na pamahalaan ang Maynila.
Hindi na itinatanong, “Bakit si Isko?” kung ang sinasabi, “Dapat talaga si Moreno!”
Sabi ni dating Congressman Amado Bagatsing, he wants to be part of the team (Yorme’s Choice) at maging kasama sa pagbabangong muli, sa metamorphosis, sa pagbabagong-anyo-ng-buhay ng Maynila.
Eto ang matindi na pagtitiwala ni Cong Amado, nais niya na maging bahagi ng pangunahing siyudad ng bansa — ang Maynila — na si Isko ang mamumuno!
***
Eto ang maganda, sa unang araw ni Yorme Isko sa city — matapos manalo — agad na ide-deploy niya ang Estero Rangers para linisin ang lahat ng imburnal, estero at ang Pasig River na parang plangganang dito umuuho ang lahat ng masangsang na amoy ng magkakahalong dumi, basura, toxic chemicals na nanggaling mula sa iba-ibang lugar sa mataas ng bayan, lungsod malapit sa Maynila.
Ibabalik niya ang magandang imahe ng kalinisan ng Maynila, at sabi nga niya, hindi naman mula sa Manila residents ang mga basura na nakikita lalo na tuwing bagyo at tagbaha.
Yan paglilinis sa siyudad ay palagian, hindi minsanan na ginagawa, sabi ni Yorme, kaya noong siya ang alkalde 24/7 ang trabaho ng Department of Public Services (DPS), at sa pag-upo niya uli, “activated” agad ang opisinang ito.
Walang negosyante na mag-i-invest sa maruming Maynila, sabi niya, “Kaya muli nating ibabalik ang ganda at ningning ng ating lungsod.”
Isang reader natin ang nag-comment na noong pandemya, talagang todo ang ayudang ibinigay ni Yorme Isko sa mga nawalan ng trabaho o kinakapos ang kita.
Mahina ang negosyo, kaya ang mga barangay, busy sila sa pag-aaruga at pagbibigay ng food (security) box, gamot, bitamina at iba pa, at may bonus pang P1,000 cash muna sa City Amelioration Crisis Assistance Fund (CACAF).
May alam ba kayo na LGU noong kainitan ng lockdown na may ayudang katulad ng ginawa ni Yorme Isko, wala kaming maalaala.
Sa konting research natin, nakita natin, mahigit sa 700 libong pamilyang Manilenyo ang nakatawid sa kagutom mula sa ayudang ito ni Isko.
Iba talaga magmalasakit si Yorme, at ngayong lahat ng gastusin ay tumataas, makakaasa ang pamilyang kapos sa kita na maitatawid sila sa kagutoman, lalo sa panahong kalamidad at krisis sa kabuhayan.
Bakit ganito si Moreno, ay, hindi na nga pala ito itinatanong, kasi batang basurero si Isko, at alam na alam niya ang kirot ng sikmurang walang pagkain.
Galing sa kahirapan, kaya mas naiintindihan ni Domogaso ang damdamin, isip at puso ng sitwasyon ng mahihirap.
Kaya noong siya ang Ama ng Maynila, kapakanan ng mahihirap ang unang kinalinga niya.
Alam ni Yorme Isko ang urgency ng maibibigay niyang tulong, kaya sa halip mangako lamang, inuuna niya ang gawa, mas una siyang kumikilos.
Ang mabilis na kilos na ito ang tiyak na maasahan sa oras na nasa cityhall uli si Isko.
Alam kasi ni Yorme Isko ang gusto ng tao; dama niya agad ang dapat gawin sa harap ng mga problema, at kaya niya na agad-agad na baguhin ang buhay ng karaniwang Manilenyo.
Pagbabago para guminhawa ang mga residente ay nagawa na ni Yorme, at ngayon ito uli ang gagawin niya.
Inaasahan natin, at pag nasa cityhall na si Isko, totoong pagbabago na ito para sa lahat ng Manilenyo.
Basta ito ang pangako ni Yorme:
“Papaliguan at lilibagan muli natin ang Maynila sa kadugyutan. Ang mga tolongges na nagkalat ay ating kakalawitin at ibabalik natin ang kapanatagan ng pamumuhay sa ating lungsod.
Nagawa na natin noon, kaya ulit nating magawa. ‘Yan ang gagawin natin sa tulong ng Diyos at taumbayan, makabalik tayo ulit sa Manila City Hall.
Teka, yung kabilang bakod, in desperation, nagpapakalat ng fake news na ano ang intensiyon?
Gumagawa ng gawak ang kuletat sa survey ng gawak sa personalidad at kredibilidad ni Isko, kaugnay ng isyu ng pagdakip kay dating Pres. Digong Duterte, na ngayon na sinusulat natin ito, siya ngayong top and trending topic ngayon sa buong bansa.
Wag maniwala, at manatiling mahinahon ngayong ilang araw na lamang, isusulat na sa balota ang pagbabalik ng bagong-anyo-ng-buhay ng Maynila.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.