Advertisers

Advertisers

Kim at Maja kabugan sa pagiging Queen of the Dance floor

0 9

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA selebrasyon ng 30th anniversary ng programang ASAP ay may mga special performances mula sa mga dating naging hosts or performers ng nasabing musical variety show for the past years.

Last Sunday ay muling nag-perform sina Maja Salvador at Shaina Magdayao. Maraming netizens ang bumilib sa dalawa dahil wala pa ring kupas sa dance floor.



May mga faney naman na binuhay ang pagkukumpara sa dating mag-bestfriends na sina Maja at Kim Chiu. Sey ng ilan, si Maja raw talaga ang tunay na Queen of the Dance floor at hindi si Kim.

Pagtatanggol naman ng mga faney ni Kim, napatunayan naman daw nito na nu’ng umalis si Maja sa nasabing programa ay ginalingan naman niya ang bawat dance number niya kaya may karapatan na ring tawagin na Queen of the Dance floor

Nagbalik tanaw pa ang mga faney na deserve daw ni Kim kung ano ang titulong ibigay sa kanya ng management dahil at least daw ang aktres ay hindi iniwan ang network kahit na nag-shutdown ito, samantalang si Maja raw ay lumipat sa ibang network. Kung saan saan na nga napunta ang diskusyon ng mga netizens.

***

DIRETSAHANG inamin ni Jennica Garcia sa panayam sa kanya ng radio program na “Banana Krew” sa 92.3 FM Radio, na may pagkakataon na galit na galit siya noon kay Lord.



Ito ay dahil sa matitinding pagsubok na pinagdaanan niya ng mga nagdaang taon.

Sabi ni Jennica”I rebeled against the Lord.

“There was a season in my life that I was so mad at God talaga. Na-realize ko ngayon na nakapag-move na ako from it na naging self-righteous pala ako.

“Parang sinasabi ko kay Lord na, saan, saang part ako nagkamali? I followed you to the dot, how could you do this to me?

“Galit talaga ako, galit talaga ako kay God. Kasi naalala ko pa, sabi ko pa kay Lord, ‘Watch me.’ Ginanu’n ko pa siya. ‘I’m following you, but you’re going to take my joy out of me? Now watch me. I’m gonna do something and this time around I’m think of myself and not put You first,’” aniya pa

Kasunod nito, tumigil din siya sa pagsisimba, “Nu’ng eventually, nangyari na, nandiyan na yung consequence, nandiyan na yung damage, hindi na ako makabalik sa church, because of how I talked to God.”

Pati raw ang dalawang anak niyang babae sa former husband niyang si Alwyn Uytingco ay hindi na rin nakakapagsimba noon.

Sa ngayon, maayos na raw ang relationship niya kay God kasabay ng pagbabalik ng kanyang pananampalataya.

“It’s just nice to be around fellow believers. It’s so nice to be back in church,” sey pa ni Jennica.