Advertisers
Nabuwag ng mga tauhan ng PNP ang isinasagawang drag racing ng motorsiklo sa Bypass Road sakop ng Brgy. San Agustin sa bayan ng San Miguel na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang lalaki madaling araw nitong Miyerkules Marso 13 2025.
Sa report na tinanggap ni PNP Regional Director PBGEN. Jean S Fajardo kinilala ang mga suspek alyas Binoy at Kitz, kapwa nasa hustong gulang, habang nakatakas ang mga kasamahan nila matapos magpulasan sa lugar.
Nabatid na maghahating-gabi ng simulan ang pustahan at karera ng motorsiklo sa kahabaang Bypass patungo sa bahagi ng Candava Pampanga.
Nakuha sa lugar ang limang units ng motorsiklo na kung saan dalawa dito kasama sa karera.
Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa San Miguel Municipal Jail sa kasong paglabag sa PD 1602 Republic Act 9287 na Drag Race in relation to RA 4136.(Thony D .Arcenal)