Advertisers

Advertisers

Common-law wife ni Digong, kakasuhan ng direct assault

0 31

Advertisers

Balak kasuhan ng Philippine National Police #PNP ang common-law wife ni dating pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña, ayon kay PNP spokesperson P/Brig. Gen. Jean Fajardo.

Ayon kay Fajardo, direct assault ang planong isampa laban kay Avanceña.
Kasunod ito ng umano’y pananakit ni Avanceña sa isang babaeng tauhan ng Spcial Action #SAF sa Villamor Air Base.

Matatandaang nadetene si dating pangulong Duterte sa Villamor Air Base bago ilipad patungong Netherlands.



Ayon kay Fajardo, pinukpok umano sa ulo ni Avanceña ang SAF personnel gamit ang cellphone.
Pinag-aaralan din umano ng PNP ang pagsasampa ng kasong obstruction of justice kay dating executive secretary Salvador Medialdea.

Nanindigan ang PNP na hindi sila gumamit ng “excessive use of force” nang arestuhin ang dating pangulo sa bisa ng International Criminal Court #ICC arrest warrant.

Wala pang pahayag ang pamilya Duterte at si Medialdea tungkol dito.