Advertisers
UMISKOR sina Johann Chua at Carlo Biado ng back-to-back wins Miyerkules, para simulan ang kanilang kanya-kanyang campaign title sa the 2025 European Open Pool Championships sa Hills Hotel Sarajevo sa Bosnia at Herzegovina.
Chua, na nagtapos runner-up nakaraang taon, ay dinbispatsa ang local bet Mustafa Hadzibajric, 9-1, bago napanateli ang kanyang hinahon para makaligtas sa Germany’s Boris Ivanovski, 9-8, para sumulong sa next round ng double-elimination preliminaries
Giniba naman ni Biado si Alwaleed Khaled Almudhayan ng Saudi Arabia, 9-0, sa opening round.
Dahil sa panalo ay naitakda ni Chua ang susunod na laban kontra Finland’s Riku Romppanen, habang si Biado ay makakatapat si Imran Majid ng United Kingdom, kung saan ang mananalo ay makakatiyakng selya sa 64-player knockout stage.
Nakamit ni Romppanen ang kanyang titulo laban kay Bosnians Juso Hasanovic, 9-5, at Adjdin Pinkjac, 9-3, habang si Majid ay nagwagi kontra Vietnam’s Hai Long Le, 9-1, at hometown bet Edin Kovacevic, 9-5.
May kabouang 256 players across the globe ang sumabak dito sa $200,000 tournament kabilang ang top 128 professionals mula sa World Nineball Tour.
Ang champion player ay tatanggap ng $40,000 lion’s share.