Advertisers

Advertisers

TREASURER NG NASUNOG NA PALENGKE AT NAGPASALAMAT SA TULONG NI CONG. NOGRALES KRITIKAL SA PAMAMARIL!

0 37

Advertisers

Politika ang sinisilip na motibo sa tangkang pagpatay at pamamaril sa 48-anyos na ginang at pamangkin nito sa Kasiglahan Montalban Rizal.

Kinilala ang biktima na si Elvira Flores, negosyante at treasurer ng Kasiglahan Market Association, habang sugatan din ang pamangkin nito na si Keyron Regente, 15-anyos kapwa nilalapatan ng lunas sa East Avenue, Quezon City.

Habang tumakas ang 2 suspek na armado ng baril sakay ng motorsiklo patungo sa Mayon St., sa nabanggit na lugar.



Na una rito, bago ang pamamaril isa ang biktima sa 80 miyembro ng Kasiglahan Market at nagtitinda sa nasunog na palengke noong Marso a-3 ng hapon.

Nagpaabot pa ng pasasalamat ang biktima sa mga tumulong na sina Congressman Fidel Nograles at kandidato sa pagka-alkalde ng bayan na isang Doc Javier para sa mga biktima ng sunog.

Ayon sa ilang biktimang manininda na ayaw ng pabanggit ng pangalan politika ang motibo sa krimen.

Wala anila silang alam na kaaway ng biktimang kritikal sa pagamutan matapos magtampo ng 8 tama ng bala sa katawan at mag-isa umano itong binubuhay ang mga anak dahil sa pagiging biyuda.

Itinanggi naman ng pulisya ang aligasyon at kinakalap pa ang mga kuhang footage ng CCTV camera sa lugar at posibleng nakakita sa pamamaril para umano sa agarang ikadarakip ng mga tumakas na suspek. (Edwin Moreno)