Sikat na aktor naningil ng $100 kapalit ng kiss at piktyur sa Tate; Moira kinabubwisitan ng ilang co-artists
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
HINDI pa rin tapos ang mga isyu kay Moira dela Torre. Sa naging guesting kasi ni Sam Milby sa programang ASAP ay kita ang mga moments nila ni Regine Velasquez, na nagtsitsikahan. Habang abala sa pag-ispiel ang co-host na si Robi Domingo.
Hulicam na nagbiro si Regine at sinabi kay Sam na “were not friends anymore” Ito kasi ang eksaktong linya rin nang matanong ang aktor sa isang interview niya kung kumusta na sila ni Moira.
Tila hindi rin lang si Sam ang may isyu kay Moira. Nauna na nga raw in-unfollow nina Yeng Constantino, Eric Santos, TJ Monterde at iba pang kasama sa dating management sa Cornerstone si Moira. Pero ang tsika, kahit daw si Regine ay may hindi magandang karanasan kay Moira.
May ilang kaibigan daw ang nagparating sa Songbird na sabi raw nito ay tili raw ng tili ito kung kumanta. Totoo kaya ito? Inakala pa naman ng iba na may nabuong friendship sa dalawa dahil pareho silang naging hurado sa Idol Philippines.
Naku kung true, nakakaloka naman talaga, sey ng ilang netizens.
Mapapansin din na sa selebrasyon ng 30 years ng ASAP Natin Ito na naging parte rin naman si Moira, ay hindi pa ito nagge-guest gayong nagkakaroon ng homecoming performances ang mga dating performers ng nasabing musical variety show. May tsika kasing hindi raw sasama ang ilan sa mga ito kung naroon siya.
***
NANG dumalo ang isang sikat na aktor sa isang event sa America ay nagbiro siya na kung sino ang may gustong humalik at magpa-picture sa kanya ay bigyan siya ng 100 dollars. E dahil sikat at gwapo, marami ang pumatol sa biro niya.
‘Yung mga humalik at nagpa-pic sa kanya ay binigyan nga siya ng tig 100 dollars. O di ba kumita si sikat na aktor?