Advertisers
MULING nagkaroon ng pagtaas sa trudst rating si Pasig City Mayoral candidate Sarah Discaya sa nakalipas na linggo.
Karamihan sa mga sumagot sa survey ay naghahangad ng pagbabago sa liderato sa lungsod.
Batay sa resulta ng independent survey ng Pulso ng Lipunan si Discaya ay nakakuha ng 44 percent na suporta mula sa mga rehistradong botante sa lungsod.
2 percent na lamang ang kalamangan sa kaniya ni incumbent Mayor Vico Sotto na nakakuha naman ng 46 percent.
Ayon sa mga taga-Pasig, si Discaya ay may kakayahang mapagbuti ang mga serbisyo sa lungsod dahil sa kaniyang pagiging makatao at karanasan sa public service.
Batay saisa lang independent poll survey, tumaas din ng 3 percent ang rating ni Discaya at nakapagtala ito ng 46 percent na mas mataas sa 43 percent na nakuha ni Sotto.
Ayon sa parehong survey, ang pagtaas ng kaniyang rating ay dahil sa kaniyang pagsusulong na matulungan ang mga underprivileged, pagkakaloob ng libreng gamutan, pangakong magpatayo ng mga bagong silid-aralan, magbigay ng libreng textbooks sa mga mag-aaral, at magpatayo ng modern hospitals para sa mahihirap na pamilya.
Lumitaw din sa survey na may mga residente ng lungsod ang nagpahayag ng pagkadismaya sa TikTok trends ng kasalukjuyang mayor na hindi naman nakatutulong para mapagbuti ang buhay ng mga Pasigueno.
Ang pinakabagong independent survey ay ginawa noong March 4 hanggang 8 kung saan nakakuha si Discaya ng 46 percent satisfaction rating na mas mataas ng 2 percent kumpara noong nagdaang mga linggo.
Ang kaniya namang trust rating ay naitala sa 46.5 percent na mas mataas din kumpara sa 43.8 percent noong nakaraang mga linggo.
Lumitaw sa survey na karamihan sa suporta para kay Discaya ay mula sa mga mahihirap na komunidad at ordinaryong residente ng Pasig.