Advertisers

Advertisers

Nakuha na ni Digong ang hamon niya sa ICC

0 5,793

Advertisers

WHAT Digong wants, Digong gets!!!

Oo! Nakuha na ni ex-President Rodrigo “Digong” Duterte ang kanyang paulit-ulit na pagkutya at paghamon sa International Criminal Court (ICC) na kunin na siya sa Pilipinas.

Kinuha na nga si Digong ng ICC nitong Lunes ng umaga, Marso 11, paglapag niya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa “pangangampanya” sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa HongKong.



Inaresto si Digong ng mga operatiba ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kasama ang International Police (InterPol), at kaagad ibiniyahe kinagabihan papuntang The Hague sa The Netherlands para doon litisin sa kinakaharap niyang kasong ‘Crimes Against Humanity’ kaugnay ng mga pagpatay sa kanyang kampanyang ‘war on drugs’ noong presidente siya (2016-2022) at ‘extra judicial killings’ sa loob ng maraming taon niyang pagiging alkalde ng Davao City sa Mindanao.

Sa ulat ng human rights groups, mahigit 30,000 ang pinapatay ni Digong mula mayor siya hanggang maging presidente ng bansa. Pero sa datus ng PNP higit 5,000 lang ang nasawi sa war on drugs, ‘di kasama ang sa mga itinumba noong mayor siya.

***

Naisahan ng ICC sa Digong

Ang ICC arrest warrant laban kay Digong ay inisyu Marso 7, na natunugan daw ng kampo ni Digong kaya lumipad ang mga ito papuntang HongKong, para raw ikampanya ang kanyang senatoriables.



Sa kanilang pag-check sa website ng ICC at ng InterPol, walang nakatala na naglabas ng arrest warrant ang international court.

Ipinangalandakan ng supporters at ng mga abogago ni Digong na “fake news” ang ICC arrest warrant. Wala raw kasing hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas dahil hindi na ito miembro ng organisayon.

Nagyabang ang tropa ni Digong na kalmadong bumalik ng Pinas ng Marso 11. Yun na!!! paglapag ng sinasakyan nilang eroplano mula HongKong sa NAIA Trrmanila 3 ay kaagad sinalubong si Digong ng mga matitipunong ahente ng CIDG at InterPol at idinaan sa lower level ng airport kaya hindi na siya nasilayan pa ng kanyang supporters.

Binalak pa ng kampo ni Digong na itakas siya sa pamamagitan ng ambulansiya, dadalhin daw si Digong sa ospital dahil hindi maganda ang pakiramdam nito. Pero hindi umobra ang kanilang taktika, hindi sila pinapasok ng mga pulis. Dinala agad si Digong sa Villamor Airbase, at hindi na nakasunod ang mga tagasuporta niya. Kinagabihan inilipad na si Digong kasama ang kanyang abogado na dati niyang executive secretary na si Salvador Medialdea.

Taktika pala talaga ng ICC na hindi i-post sa kanilang website ang paglabas ng arrest warrant para hindi makapagtago ang subject. Yun nga… naging napakadali sa ICC na kunin si Digong. Nangyari ang wish ni Digong na kunin na siya ng ICC. Nasa The Hague na siya ngayon…

***
Presscon ni PBBM

Pinabulaanan ni Pangulo “Bongbong” Marcos Jr na may mga paglabag sa ating soberanya ang pagkakaaresto kay Digong.

“No! Bakit naman? Consistent naman tayo. Hindi tayo tumutulong sa imbestigasyon ng ICC – mayroon tayong contact sa kanila, natural but not on official level. We didn’t help them in anyway,” diin ni PBBM

“The arrest that we did today was in compliance w/ our commitment with Interpol. It just so happened that came from ICC, but it’s not because it came from ICC. It’s because it came from Interpol.”

Next target ng ICC si Sen. “Bato” dela Rosa at ilan pang sangkot sa bloody ‘war on drugs’. Subaybayan!