Advertisers
Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na nagiging dominant na ngayon sa kababaihan – kayang- kaya na nila ang trabahong panglalaki. Hindi lang iyan kung hindi malaking porsiyento na rin ang bilang ng “houseband” dahil si misis na ang financial provider ng pamilya habang si mister ang bantay bata/bahay.
Katunayan hindi lamang pangpamilya ang ipinamamalas na lakas ng kababaihan kung hindi kinikilala sa buong mundo – kinikilala ang malaking kontribusyon ng kababaihan worldwide. Isa nga sa masasabi natin kinilala o marami nang natanggap na parangal ay si Quezon City Mayor Joy Belmonte. Hindi lang dito sa Pipilinas kung hindi maging sa iba’t ibang bansa bunga ng pagbibigay halaga sa kababaihan ng lungsod.
Ngayon Marso, ipinagdiriwang ang International at National Women’s Month – ang sa pagkilala sa kababaihan (dito sa Quezon City) – tiniyak ni Mayor Joy B. na kanyang isusulong ang women’s empowerment at economic opportunities sa mga kababaihan.
Katunayan, sa State of the Women’s Address kamakailan ng isa sa most awarded na babaeng alkalde sa Pilipinas maging sa ibang bansa, sinabi ni Belmonte na ginagawa at ipinaprayodad ng lokal na pamahalaan ang lahat para maitaguyod ang kapakanan ng mga kababaihan.
Sa paanong paraan kaya gawin ito ni Mayor Joy B ang itaguyod ang kapakanan ng kababaihan?
Ito naiya’y sa pamamagitan ng pagbibigay ng magandang edukasyon, kalusugan, employment at initiatives.
“Our women are now more financially independent. Based on our online business registry, the number of female entrepreneurs in the city has increased by more than 4,000 since 2021,” ani Belmonte.
Sa datos ng Pamalahaang Lungsod, ayon sa Alkalde na sa 70,000 negosyo sa lungsdo, 40 percent ay mga kababaihan ang nagpapatakbo kung saan ito ay katumbas ng 200,000 female residents.
Bukod dito, idiniin pa ng babaeng alkalde na tumaas din ang mga benepisyaryo ng livelihood programs tulad ng Pangkabuhayang QC at Tindahan ni Ate Joy mula sa 11,000 noong 2023 sa 14,000 noong nakaraang taon.
Iyan lang ba ang mayroon o nagawa ng QC Local Government Unit para sa kababaihan ng lungsod? Hindi po mga QCitizen, at sa halip ay nakapagbigay na ang pamahalaan ng 31,000 job placements sa mga kababaihan.
Wow! Ganyang ang pagbibigay halaga ng lokal na pamahalaan sa kababaihan ng lungsod.
Tulad nga ng naunang nabanggit, hindi lamang sa pangkabuhayan ang tinututukan o tulong na ipinaaabot ng QC LGU sa mga kababaihan kung hindi tinutukan din ni Mayor Joy ang edukasyon para sa mga kababaihan kung saan 63 percent ng Quezon City University’s 3,000 graduates noong 2023 ay mga babae.
Nagbigay din ang lokal na pamahalaan ng libreng medical check-ups, maintenance medicines, at vaccinations sa mga kababaihan partikular ang Integrated Cancer Control Ordinance.
Pinalakas na rin ni Belmonte ang programa kontra sa gender-based violence sa pamamagitan ng Helpline 122 matapos tumaas ang naturang kaso mula 7,000 noong 2022 sa 10,000 sa 2024
“The fight for gender equality is a fight for all. Together, we can create a city where every woman has a voice, dignity, and equal opportunities.” pahayag ni Mayor Belmonte.