Advertisers

Advertisers

Ivana dedma sa hula na magkakasakit at mamamatay

0 19

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

HINDI apektado si Ivana Alawi sa kumalat na hula na tila siya ang tinutukoy na sikat at magandang vlogger na magkakasakit at mamamatay.

Oo raw at kailan lamang ay nagkatrangkaso siya pero magaling na siya ngayon.



“Okay siya.

“Actually, heto lang nung last week nagkatrangkaso ako kasi sunud-sunod talaga yung trabaho. Pero so far, yun pa lang.

“Much, much better na and tumaba akong very light kasi nga dahil nga sa tubig and all.

“But now, it gets much, much better na.”

Wala raw dapat ipag-alala ang mga taong malapit sa kanya tungkol sa hula.



“Walang katotohanan na magkaka-cancer ako.

“Huwag kayong mag-alala, wala kaming sakit.

“Yung mama ko nga nag-alala dun sa hula tapos inaano niya ako.

“Sabi ko, ‘Mama, kalma, walang mangyayari sa atin.’

“Wala namang makakapag-predict kung kailan ka mawawala, and that’s something you should not be scared of.

“Lahat naman tayo darating dun. Ang nakakaalam lang nun ay ang Diyos.”

Si Ivana ay isa sa pinakasikat na vlogger sa bansa.

Sino pa ang pangarap niyang maka-collab sa ngayon?
“Actually, ang gustung-gusto ko na naka-collab ko lately is si Fyang.

“Kasi tuwang-tuwa ako sa ugali niya and I really wanted to meet her kasi pinapanood ko siya sa PBB.

“Yung hindi pa… tataasan ko na ang pangarap ko… si Ms. Anne Curtis.”

Paano naha-handle ni Ivana ang sobrang popularidad niya?

“Huwag mong ilagay sa ulo mo, siguro yun.

“Anuman ang nangyayari or sumisikat ka, ang importante huwag mong ilagay sa ulo mo.”

Marami ang nagmamahal at umiidolo kay Ivana, pero may bashers din siya tulad ng kahit na sinong sikat na celebrity…

“Ever since wala akong pakialam sa bashers, deadma.

“Kung gusto nilang mam-bash, siyempre hahanap at hahanap yun, wala kang magagawang perfect para sa kanila.

“Ang iniisip ko ay yung mga nagmamahal sa akin, yun, mas nakakatulong ako.

“Yung mga bashers, wala naman akong paki sa kanila, e.

“Pero pag sa pamilya, oo, sumasagot ako. Pero pag sa sarili ko, wala naman akong comment.

“Pinakamatindi, basta tungkol sa kapatid ko, yun ang ayoko.”

Kapatid ni Ivana ang aktres ding si Mona Louise Rey.