Advertisers
Makaraàng arestuhin ng mga miyembro ng pambansang kapulisan sa bisa ng isang arrest warrant na inisyu ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, umani ito ng malaking galit sa puso at damdamin ng milyun- milyong mga Pilipino.
Trending sa social media buong araw kahapon ( Martes) ang umano’y sampal sa ating sobereniya at pagyurak sa karapatan ng isang residente ng isang malayang bansa matapos pahintulutan at tulungang arestuhin ng gobyernong Marcos Jr. ang isang Pilipino at dating Pangulo ng Pilipinas ng isang banyagang entity.
Inaresto ng mga tauhan ng CIDG si Duterte ganap na ika 9:20 ng umaga habang lulan ng Cathay Pacific flight galing Hong Kong.
Ang malaking pagtataka ng marami, sa halip na ideretso ito sa punong himpilan ng kapulisan sa Kampo Crame ay sa malapit na Villamor Airbase na isang pasilidad ng Philippine Airforce ito dinala na isang segway o sadyang paglihis sa normal police protocol
Lumutang ang indikasyong planado talaga at masusing pinag- aralan ang buong magiging galawan ng arresting team at koordinasyon nito sa AFP at ang planong ilipad kapagdaka si Duterte palabas ng bansa patungong The Hague, Netherlands.
Ang proximity ng lokasyon ng Villamor Air Base sa NAIA Terminal 3 kumpara sa Kampo Crame ay kumpirmasyong plano ito ng Malacanang para kalawitin si Duterte palabas ng Pinas gamit ang pasilidad ng Villamor Air Base nang mabilisan.
Before midnight of the same day,inanunsiyo ng Malacanang sa isang press conference na nailipad na palabas ng bansa si FPRRD 11:45 pm.
Ang tanong,bakit minadali ng todo ang paglipad ni Duterte patungong The Hague,Netherlands?
Sagot,takot si Marcos Jr.sa pag- build up ng bilang ng mga Duterte supporters sa palibot ng Villamor Air Base at sa posibilidad ng pag-iisyu ng Temporary Restraining Order ( TRO) ng Korte Suprema makaraàng dumulog dito ang kampo at mga abogado ni Duterte.
Di na natin pa idi- detalye ang iba pang kaganapan matapos ang tila sapilitang pagpupuslit ng gobyernong Marcos sa dating Pangulong Duterte gamit na alibi ang arrest warrant ng ICC.
Ang malinaw sa mata at kaisipan ng milyong Pilipino ay isa itng political issue na layong bunutin ang UGAT ng lider ng oposisyon na nagsisilbing tinik sa pamilya Marcos na maluklok sa poder at kapangyarihan perpetually.
Temporary setback lang ang pangyayaring ito ayon naman kay VP Sara Duterte.
Kung kayang gawin ito ng gobyernong Marcos sa isang dating Pangulo ng bansa gamit ang halos buong resources ng pamahalaan, paano pa laban sa isang simple at ordinaryong Juan Dela Cruz lamang ,tanong pa ng bise presidente.
“Saddest day in Philippine history”
Samantala hindi na napigilan pa ni Senator Bong Go ang kanyang emosyon ilang minuto matapos lumipad ang eroplanong lulan si dating Pangulong Duterte.
Nasasaktan umano si Senator Go sa nangyayari kay FPRRD sa kabila ng aniya’y ginawa ng dating Pangulo para sa mga Pilipino.
Hindi lamang isang mentor kundi parang tunay na ama ang turing ni Senator Bong Go kay dating Pangulong Duterte.
Sa kabila nito, tiniyak ni Senator Go sa kapwa Pilipino na hindi pa rin siya titigil sa pagseserbisyo.
Habang kaharap ng senador ang media, maririnig naman ang malakas na sigaw ng “Duterte! Duterte!” mula sa mga nasa labas ng Villamor Airbase na di natinag at patuloy na naglagi sa nasabing lugar habang nag- aantabay ng iba pang kaganapan.
It’s time naman to celebrate & rejoice para sa mga kalaban ng mga Duterte at sa pamilya Marcos pero sanay tumagal pa ang panahon ng inyong kagalakan bago pa man sumapit ang paghuhukom.
Sa damdamin kasi ng mas nakakaraming Pilipino,crystal clear na ang buong katotohanang pilit na itinatago at pinagtatakpan.
Tamang panahon na lamang ang hinihintay!
By the way, may ulat tayong natanggap na ang ginamit na private plane para ilipad si FPRRD ay pag-aari umano ni Cong.Zaldy Co.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com