Advertisers
WALANG katapusan ang ngawa at iyak ng mga kampon ni Gongdi tungkol sa pag-aresto ng pinagsamang pwersa ng PNP at International Police (Interpol) sa dating pangulo sa NAIA noong Martes. Galing Hongkong si Gongdi kung saan dumalo siya sa pagtitipon ng mga kasapi ng KoJC, ang kulto ni Apollo Quiboloy doon.
“Lantarang paghamak at paglabag ito sa soberanya ng Filipinas,” ani Sara sa isang pahayag. “Walang poder ang ICC upang arestuhin si Gongdi dahill tumiwalag na ang Filipinas sa ICC,” ayon sa isang abogado ni Gongdi. ”Kinidnap ng pinagsamang Interpol at PNP si Presidente,” sabi ng isang kapanalig. “Political persecution at oppression ang nangyari sa kanya,” aniya
Sa isang pagkakataon, pilit na pinipigil ng mga kaanak at kapanalig ang pagdala kay Gongdi sa The Hague sa The Netherland kung saan doon siya pipigilin upang humarap sa imbestigasyon at paglilitis. “Matanda na siya. Nasa 80 years old na siya,” ani Honelet Avancena. “Ang kanyang kalusugan ang importante,” ani Bong Go, ang matapat na alalay.
Batay sa kamangmangan ang kanilang pahayag dahil hindi nila ganap na nauuwanaan ang batas tungkol sa isyu ni Gongdi. May kapangyarihan ang ICC na hulihin si Gongdi, dalhin siya sa The Hague, at ikulong siya sa piitan doon. Kinilala ito ng Korte Suprema sa desisyon nila sa kasong Pangilinan v. Cayetano noong 2021.
Kinilala ng desisyon ang poder ng ICC na ituloy ang imbestigasyon kaugnay sa sakdal na crimes against humanity ni Duterte at mga kasapakat noong kasaping bansa pa ang Filipinas ng ICC. Tumiwalag ang Filipinas noong 2019 sa ICC. Samakatuwid, hindi paglabag sa soberanya ng Filipinas ang pag-usig ng ICC kay Gongdi.
Mayroon rin batas sa bansa at ito ang RA 9841 na kumikilala sa poder ng gobyerno ni BBM na isuko si Gongdi sa ICC sapagkat nahaharap ang dating pangulo sa sakdal na crimes against humanity sa mga mga iniutos na ipapatay sa ilalim ng kanyang giyera kontra droga. Totoong walang batayan si Gongdi at kaalayado sa kanilang iningangawa.
Kung may poder ang ICC sa isyu ni Gongdi, may batayan ang pagdala kay Gongdi sa The Hague. Walang nangyaring “state kidnapping” na sinasabi ni Sara. Hindi nangyayari ang kidnapping sa harap ng kamera sa harap ng buong mundo. Guni-guni lang ito ni Sal Panelo, isang abogado na hindi kilala sa husay ng kanyang katwiran. Hindi siya matikas sa pagtatanggol.
***
HINDI kami natutuwa sa asal ng anak ni Gongdi kay Honeylet Avancena na si Kitty. Labis ang kabastusan nang murahin si Brig. Gen. Juan Torre, ang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Hindi namin masikmura ang lumabas sa bibig ni Kitty. Walang kinikilala awtoridad ang bata at mukhang hindi tinuruan ng magulang. Walang modo.
Maiging huwag na kasing isinasama ang bastos na anak sa publiko. Marapat na matuto ng kagandang asal.
***
Rep Roman gustong bumalik ang PH sa ICC
Hinimok ni Bataan Rep. Geraldine Roman ang administrasyong Marcos na ibalik ang Pilipinas sa ilalim ng International Criminal Court (ICC). Ginawa ni Roman ang apela matapos arestuhin si dating Pangulong Duterte sa bisa ng warrant na inilabas ng ICC kung saan ito nahaharap sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kanyang war on drugs.
“Lumabas tayo unilaterally (Executive decision) from the ICC. I think it’s about time bumalik tayo sa ICC at ipakita natin sa buong mundo na itong bansang ito ay gumagalang sa ating mga batas at sa mga international law,” ani Roman, taga-pangulo ng House Committee on Women and Gender Equality.
“Wala pong masama doon mga kababayan. Ang batas ang ating tanging sandigan at proteksyon sa pang-aabuso, pati kaming nasa mga posisyon ng kapangyarihan. Ito lamang ang kasiguruhan na merong pagbabatayan ang ating mga hukuman upang bigyan tayo ng katarungan kung tayo ay naapi o naagrabyado,” sabi niya.
Aniya ang muling pag-anib ng Pilipinas sa ICC ay alinsunod sa hangarin ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na itaguyod ang rule of law “because he has nothing to hide.” “So, sana po panawagan ko, bumalik na po tayo sa ICC. If this is a position that recognizes a rule-based order around the world, then let’s walk the talk. Let’s go back to the folds of the ICC because naniniwala ako wala naman dapat tayong ikatakot. Dahil naniniwala rin po ako na ang ating Pangulo ay desidido na i-uphold ang rule of law at wala siyang itatago,” dagdag niya.
Noong Marso 17, 2018, halos kasabay ng ginagawang imbestigasyon ng ICC sa brutal na giyera kontra iligal na droga, ay pormal na inabisuhan ng noo’y Pangulong Duterte ang United Nations Secretart General ng pag-kalas ng Pilipinas sa ICC.
Gayonman, sa ilalim ng nilagdaang treaty ng Pilipinas, nananatili ito sa hurisdiksyon ng ICC sa loob ng isang taon mula sa pag-alis nito. Bilang isang Pilipino, aminado si Roman na nalulungkot siya sa pagkaka aresto ng dating Pang. Duterte dahil maaari ito magdulot ng pagkakawatak-watak ng bansa.
“But as a public servant and as a legislator, I realize that these developments are but natural consequences of the decisions of the parties involved to carry out policies that operated outside the boundaries of the law. And this cannot be tolerated,” saad niya.
“As a legislator and a public servant, kinakailangan po naming i-uphold ang rule of law. Bagama’t maaring hindi mag-agree ang mga ilang tao sa aming postura, sa aming stand, wala po kaming choice, kundi sundin ang ating Saligang Batas at ating mga batas. At bilang bansa na rin, ang Pilipinas ay dapat magpakita na mayroong rule of law,” wika pa ng lady solon.
Paghimok naman ni Roman sa mga kaalyado at taga-suporta ng dating presidente na tignan ang kaniyang pagkaka-aresto bilang oportunidad na patunayan na siya ay inosente.
“Kung hindi kayo naniniwala sa mga local courts, at least, bigyan niyo ng chance naman ang ICC. Look at this as a chance for the former President to air his side. Yung hindi tayo nananatili sa duda. If he truly believes that he is innocent of the charges, I’m sure he’ll come up with evidence to prove so…So, let’s give time to due process also. And you just have to trust the process too,” saad niya.
***
Email:bootsfr@yahoo.com