Advertisers
Arestado ang mga bigtime tulak ng marijuana sa ikinasang buy-bust operation sa Caloocan , Martes ng umaga.
Kinilala ni Caloocan police chief PCol.Edcille Canals ang mga naaresto na sina alyas Christine, 25 , encoder; alias Raul, 49,; alias Chris 26, construction worker;at alias ” Ziel”, 23, pintor, pawang mga residente ng Caloocan makaraang kumagat sa ikinasang Anti-Illegal Drug Buy-bust Operation sa #2166 San Lorenzo St.Malaria, Barangay 185, Caloocan City.
Nakumpiska sa mga suspek ang 72 piraso ng pinatuyong dahon na may fruiting tops na marijuana na tumitimbang na 3 1/2 kilograms na may kabuuang timbang na 90.5 kilograms ng marijuana na nagkakahalaga ng P10,860.000.00.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sec 5, 26 at Sec. 11 of Article ll of R.A 9165 , Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Beth Samson)