Advertisers

Advertisers

Pag-aresto sa iba pang sangkot sa madugong war on drugs, inaasahan ni Sen. Hontiveros

0 10

Advertisers

UMAASA si Senador Risa Hontiveros na ang pagkaka-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mga kaso nito sa International Criminal Court (ICC) ay simula pa lamang ng mga susunod pang pagdakip sa iba pang dating opisyal ng gobyerno na sangkot sa madugong war on drugs.

Sinabi ni Hontiveros, ang libo-libong Pilipinong nasawi sa kasagsagan noon ng Oplan Tokhang ay hindi lamang kagagawan ng iisang tao.

Kaya naman, umaasa ang senadora na ang pag-aresto kay Duterte ay susundan ng paghahabol ng hustisya sa lahat ng mga opisyal at kawani ng gobyerno na responsible sa pagpatay sa mga inosente o walang kalaban-laban.



Sinabi ni Hontiveros na pinanghahawakan niya ang mga sinabi noon ni Duterte na “under oath” ay haharapin ng dating pangulo ang kaso sa ICC at bilang abogado ay dapat sumunod siya sa proseso.

Umaasa rin ang mambabatas na may isang salita ang Malakanyang at sasang-ayon sa hiling ng ICC sa pamamagitan ng Interpol at titiyakin na gugulong ang hustisya sa mga naging biktima.