Mayor Honey hinimok ang ilang P.B. na wag ng idamay sa pamumulitika ang allowances ng mga seniors
Advertisers
HINIMOK ni Manila Mayor Honey Lacuna ang ilang barangay chairman na huwag ng idamay sa pamumulitika ang mga allowances ng mga senior citizens at hayaan itong makuha ng mabilis at walang balakid.
Ginawa ni Lacuna ang panawagan matapos nakatanggap ng ulat na may ilang barangay chairmen,na kilalang malapit sa kanyang political rivals na nagbabantang pahihirapan ang mga senior citizens na sumusuporta sa buong tiket ni Lacuna na makuha ang kanilang buwanang allowances mula sa pamahalaang lungsod.
“Bagama’t iilan lang naman ang mga chairman na ito, hindi ito dapat na mangyari. Walang kinalaman sa pulitika ang tulong na ibinibigay ng ating pamahalaang-lungsod para sa ating mga lolo at lola. Para sa kanila ‘yan kaya sana ay ibigay ninyo ang dapat na para sa kanila,” saad ng lady mayor.
Iginiit ng alkalde na hinihintay na ng mga senior citizens Ang nasabing cash aid para makadagdag sa mga personal na gastusin tulad ng maintenance medicines.
“Maliit na nga lang ang naibibigay ng ating pamahalaang-lungsod, pahihirapan pa ang ating mga senior citizens. Ako po ay nakikiusap na ‘wag po ninyo itong gawin kung hindi ay mapipilitan kaming gumawa ng hakbang upang agad na makuha ng mga lolo at lola ang munting ayuda na para sa kanila,” ayon pa kay Lacuna.
Hinimok din ng lady mayor ang lahat ng senior citizens na makakaranas ng panggigipit sa pagkuha ng kanilang allowances na i-report Ang kanilang mararanasan sa City Hall para magawan ng kaukulang aksyon, at ipinangako na hindi niya hahayaang umiral ang ganitong pangit na sistema sa kanyang administrasyon.
Ayon naman kay Office of Senior Citizens’ Affairs head Elinor Jacinto ang mga allowances ng senior citizens’ ay naging dobladong na para sa kabuuang P3,000 bawat isang seniors at ito ay sumasakop sa buwan ng Enero hanggang Marso at ito ay ipinapamahagi sa pamamagitan ng cash payout upang maging madali ang pagkaha ng mga nakatatanda na matatandaang naging tampulan ng reklamo ang dating sistema ng pagkuha ng allowances noong panahon ni dating Mayor Isko Moreno kung saan idinaan sa PayMaya ang mga allowances.
Sinabi pa ni Jacinto na ipinalita ni Lacuna ang lahat ng pagtitiwala ay kumpiyansa sa mga barangay chairpersons na gagawin nilang kumbinyente at madali ang pagkuha ng mga allowances ng mga senior citizens.
“Pahalagahan po sana natin ang tiwalang ibinigay ng ating alkalde. Lahat po tayo ay tatanda,” dagdag ni Jacinto at iginiit na dapat ay hindi sumasawsaw sa partisan politics ang mga Punong Barangay.
Ginawang double ni Lacuna ang seniors’ allowances mula P500 ay ginawa itong P1000 nang lagdaan niya ang ordinansa noong Oktubre ng nakaraang taon. (ANDI GARCIA)