Advertisers

Advertisers

Killer ng 2 pulis sa Bulacan timbog!

0 23

Advertisers

NAARESTO ang isa sa dalawang suspek na pumatay sa dalawang pulis ng Bocaue, Bulacan noong Sabado 8 ng Marso, habang patuloy ang pagtugis sa kasabwat nitong nakatakas.

Kinilala ang nahuling suspek bilang si Alias Dado, 38-anyos, residente ng Barangay Bunsuran, Pandi; samantalang nananatiling wanted si Alias Athan.

Sa ulat ni Col. Satur Ediong, Provincial Director ng Bulacan, nagsasagawa ng buy-bust operation kontra iligal na armas ang mga biktimang sina Staff Sergeants Dennis Cudiamat at Gian George Dela Cruz ng Bocaue Municipal Police Station sa Sitio Tugatog, Nia Road, Barangay Tambubong, nang pagbabarilin sila ng mga suspek.



Narekober mula kay alias Dado ang isang 38 caliber revolver na walang serial number, isang granada, motorsiklong rusi 125 na may sidecar, at mga marked money na ginamit sa operasyon.

Patuloy namang tinutunton ng pulisya si Alias Athan, nang matagpuan ang isang honda beat motorsiklo sa Barangay Bunsuran 2nd, Pandi, na hinihinalang ginamit niya sa pagtakas.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), R.A. 9516 (Illegal Possession of Explosives), at double murder.