Kalusugan isa prayoridad ni Konsi Bong Marzan
Advertisers
SIMULA pa ng manungkulan bilang Sangguniang Kabataan (SK) Chairman si Liga ng Barangay Director Bong Marzan hanggang sa siya ay maging Kagawad ng Brgy 497 at Punong Barangay ng pareho ring barangay ay kalusugan ang tinututukan niyang proyekto o programa para sa kanyang barangay
SI Marzan na siyang Asenso Manileño candidate for councilor sa Distrito Kuwatro noon pa man ay nakatutok na sa mga programang pangkalusugan lalo’t ang makikinabang ay ang kanyang mga nasasakupan.
Kabilang sa mga naging programa ni Marzan ay ang “Adopt A Hydrocephalus Baby”, “Patak Polio Program”, “End Polio Now”, “Mental Health Awareness”, at iba pa.
Regular din siyang nakikipag-usap at nakikipagpulong sa mga barangay health workers upang malaman at maipahatid sa kanyang mga nasasakupan kung ano ang programang pangkalusugan na inilatag ng pamahalaang lokal at kung paano matutugunan ang mga pangangailangang pangkalusugan ng bawat residente ng barangay.
At dahil libre na ang mga gamot pati na ang mga pangunahing serbisyong medikal sa mga health centers ay walang tigil si Marzan, sampu ng ilan pang opisyal ng barangay sa panghihikayat sa lahat ng kanilang nasasakupan na samantalahin ang libreng serbisyo medikal ng administrasyon Mayor Honey Lacuna kung saan ginawa ng very accessible ang lahat ng serbisyong medikal para sa mga residente at ang lahat ng ito ay libre.
Kabilang dito ang ultrasound, ecg, fbs, check -up para sa mga nagdadalang tao, pati na rin ang dental, salamin at marami pang iba na hindi na kailangan pang puntahan sa ospital. Higit sa lahat ay ang libreng gamot na laging available lalo na sa mga nagme-maintenance.
Isa pang programang pangkalusugan ng alkalde ay ang pagtatayo ng pinakamalaking bodega o warehouse sa Maynila.
Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pinakamalaking bodega ng gamot ay makakaasa na hindi na magkakaroon ng shortage ng mga pangunahing gamot na kinakailangan ng mga residente lalo na ng mga nakatatanda.
Naniniwala si Marzan na kapag malusog ang mamamayan ay makakapagtrabaho ito ng mahusay at produktibo at tiyak na aasenso ang lungsod.
Samantala ay naging isa si Marzan sa punong abala sa isinagawang ‘Ugnayan’ nina Mayor Honey Lacuna at.VM Yul Servo sa Asac Covered Court kung saan may 1,350 mga head of the families ang dumalo na pawang mga nasasakupan nina Chairwoman Glenda Corpuz ng Brgy 569 at Chairman Darwin Delos Santos ng Brgy. 550.
Sa nasabing ‘Ugnayan’ ay ipinaliwanag ng mga naroroong miyembro ng Asenso Manileño kabilang na si Marzan ang mga pangunahing usapin lalo na ang mga kumakalat na maling impormasyon katulad ng pagkakaroon daw umano ng mataas na bilang ng krimen sa Maynila. Dito ay napasinungalingan ang ikinakalat na maling balita sa pamamagitan mismo ng datos na nagmula sa Manila Police District.
Sa kabuuan ay napakatahimik at payapa ng lungsod ng Maynila at ito ay dahil sa pinaigting na presensya ng mga kapulisan, pati na ang umiiral na checkpoints (dahil panahon ng eleksyon) at ng tulong ng mga Barangay Tanods na malaking tulong sa pagpapanatili ng peace and order situation sa kabisera ng bansa. (ANDI GARCIA)