Advertisers
Ni Beth Gelena
ANG daming kinilig na netizens sa birthday message ni Julia Barretto sa boyfriend na si Gerald Anderson sa kaarawan nito.
Pinost ni Julia ang mga sweet photos nila ni Ge sa kanyang Instagram account.
Simpleng mensahe pero very touching message ang pagbati ni Julia.
“The kindest, most selfless person. Happy birthday, love,” aniya.
Matatandaan nung unang nalink sa isa’t isa ang celebrity couple ay ang daming humusga sa kanila.
Nariyang si Julia ang dahilan kaya nag-break daw sina Gerald at Bea Anonzo.
Pero, pinagtanggol ng aktor ang young aktres.
Nang inamin ni Getald kay Boy Abunda ang relasyon nila ni Julia, inamin din niyang nasaktan siya sa breakup nila ni Bea.
“Being together we were very toxic, and hindi nirerespeto yung explanation na binibigay mo, hindi tinatanggap after months and months and months and months and months of being on the rocks at medyo away? I mean yun lang,” wika niya noon sa panayam ng King of Talk.
Taon din bago naging panatag ang relasyon ng JuRald.
Tinanggap na nila ang relasyon ng celebrity couple dahil nakita naman ng netizens kung papano mag give and take ang couple.
Sa ngayon ay kasal na lang ang kulang sa JuRald dahil magkasundong magkasundo ang kanilang pamilya.
Komento nga ng isang netizen:
“A son who knows how to take care of his mom will be a great husband”
“Maswerte si Julia kay Gerald good provider siya.”
May nagkomento pang “siguro ang laki ng pagsisisi ni Bea Alonzo nang pakawalan si Gerald. Nagkamali siya ng desisyong makipaghiwalay sa aktor”
***
RUFA MAE BIKTIMA NA NAMAN NG SCAMMER
MAY gumagamit na namang scammer sa account ni Rufa Mae Quinto.
Nawindang ang komedyanteng aktres nang mapansin niyang isa na namang scammer ang gumagamit ng kanyang pangalan.
Naloka siya matapos makatanggap ng sumbong na may gumagamit na naman sa kanyang pangalan para makapanloko ng iba.
Nagbigay ng babala si Rufa Mae na hindi siya kailanman nanghingi o manghihingi ng pera sa kahit na sino.
Inamin niyang may mga nag-alok ng tulong sa kanya ngunit nalaman niyang may kaugnayan ang mga ito sa scamming.
Dahil sa patuloy na panloloko gamit ang kanyang name, nagsumbong na siya sa NBI upang maprotektahan ang account ng publiko.
Hindi maitago ni Rufa Mae ang inis matapos makarating sa kanya ang balita.
Ayon sa aktres, isang netizen ang nagsumbong sa kanya tungkol sa isang lalaking nagpapakilalang kaibigan niya at ginagamit umano siya sa pang-i-scam.
Dahil dito, agad na nagbigay ng babala si
Peachy upang hindi na madagdagan pa ang mga nabibiktima ng panloloko.
“Nakakaloka, friendship! May nagsumbong na naman sa akin, kaya nag-react ako. Pakisabi naman, never akong nanghingi o manghihingi ng pera sa kahit na sino,” mariing pahayag niya.
“May mga taong nag-try mag-help, pero lahat pala, eh, nakisabay sa scamming issue. Kaya pa-clear na lang para hindi sila maloko at mahingan ng pera,” dagdag pa niya.
Nanindigan ang komedyante na hindi siya mananahimik sa ganitong klase ng pananamantala upang maprotektahan ang publiko laban sa mga mapanlinlang na indibidwal.
“Awrahan natin ‘yan, friendship! Hindi puwedeng hayaan na lang natin sila!” matapang na pahayag ni RMQ.
***
ANNE BINIDA ANG RAINBOW THEME NG ANAK NA SI DAHLIA PARA 5TH BIRTHDAY NG ANAK
NAG-celebrate ng ikalimang kaarawan ang anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia.
Ibinahagi ng TV host-aktres ang official snaps na rainbow-themed sa 5th birthday party ng anak.
Sa Instagram, Anne gushed at their baby girl growing up so fast as well.
In her post, many netizens were delighted to see Dahlia’s lovely party.
Sa Instagram, simpleng kasuutan lang ang mag-asawa, hinayaan maging bongga ang dress ng kanang anak para mas ma-focus kay Dahlia ang attention ng mga bisita.
“We now have a little 5 year old.”
Komento ng mga netizens,
“Parang kailan lang when you announced that you’re preggy and now WE already have a five-year old, beautiful Princess Dahlia. Happy birthday our darling!”