Advertisers

Advertisers

Van sumalpok sa pader: 3 patay!

0 16

Advertisers

Patay ang tatlo katao nang sumalpok ang sinasakyang van sa pader sa Marcos Highway sa Tuba, Benguet, Linggo ng madaling araw.

Kinilala ng Tuba Municipal Police Station ang mga nasawi na sina Justine Nichole Fernandez Bungay, 22-anyos; Homer Lozano, 46; at Arlene Nanquil, 56.

Nagtamo naman ng matitinding pinsala sa katawan ang limang iba pang pasahero ng van habang sugatan ang labing-apat na iba pa kabilang na ang driber.



Sa report ng pulisya, nagkaroon ng aberya ang makina ng van habang binabaybay ang pakurbadang daan at ng papaliko na ay sumalpok ito sa konkretong pader dahil sa mechanical failure.

Nasa kustodiya na ng Tuba MPS ang driver para sa imbestigasyon.

Lulan ng van ang 22 katao na nasa edad lima hanggang animnapu’t anim na patungo ng Pampanga mula Baguio City.

Pinayuhan naman ng pulisya ang mga motorista ng ibayong pag -iingat, tiyakin ang roadworthiness ng sasakyan at sumunod sa batas trapiko lalo na sa mga pakurbada at high-risk road.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">