Advertisers

Advertisers

PNP handa ipatupad ang ICC arrest warrant vs Duterte et al…

0 11

Advertisers

Nakahandang makipag-pagtulungan ang Philippine National Police (PNP) sakaling humingi ng tulong ang International Criminal Court (ICC) sa International Criminal Police Organization (Interpol) pagpapatupad ng warrant of arrest laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni BGen Jean Fajardo, PNP Spokesperson at Central Luzon Police Director hinggil sa report na nag-isyu o naglabas ng arrest warrant sa kasong “crime against humanity ang ICC laban sa dating Pangulong Duterte kaugnay ng madugong kampanya kontra iligal na droga ng panahon nito.

Gayunpaman, sinabi ni Fajardo na wala pa patunay o beripikado impormasyon na may inilabas na warrang of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban sa dating Pangulong.



“Sa ngayon wala pa po tayong hawak verifiable info as to the reported warrant of arrest issued by the ICC,” pahayag ni Fajardo.

Ayon kay Fajardo, bilang miyembro ng Interpol, ang PNP ay mayroon tungkuling na kakipag-kooperate sa International Organization.

Aniya, sa panig ng PNP dadaan tayo sa proseso. Kung meron pong hihingin ang tulong yung ating Interpol ‘through their National Central Bureau and then the PNP as a legal obligation to reciprocate ‘yung courtesy na ibinibigay sa atin ng Interpol.

“If you may recall may mga instances tayo na may mga WOAs na naissuehan ang local courts at nagtago sa ibang bansa and through the Interpol mechanism humingi tayo ng tulong and since it is a member state just like the case a classic example yung case ni Alice Guo. Nagtago siya sa Indonesia is a member state ay humingi tayo ng tulong sa Interpol and true enough through the help of Interpol ay na effect natin at naiuwi dito sa Alice Guo and implemented yung WOA sa kanya and since the PNP is a member of the Interpol then we are duty bound to accord the same courtesy accorded to us by the foreign states,” paliwanag ni Fajardo.

Sa kasalukuyang sinabi ni Fajardo na wala pa umano coordination ang Interpol sa PNP.



Kaugnay nito, pinabulaanan ni Fajardo ang mga report na naglaan ang PNP ng 7,000 mga personnel bilang paghahanda sa pag-aresto kay Duterte hinggil sa paglabas ng warrant of arrest.

“Wala po itong katotohanan. Like I said kung may nakikita tayo na mga movement and mga skills at mga movement ng mga tao natin on the ground, this is still part ng security preparations for election” saad ni Fajardo.(Mark Obleada)