Advertisers

Advertisers

Panibagong kaso ng tanim-bala sa NAIA pinaiimbestigahan ni PBBM

0 47

Advertisers

TINIYAK ng Malakanyang na mananagot ang mga nasa likod ng tanim-bala scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sakaling mapatunayan na nagbalik na naman ang modus na ito sa mga paliparan.

Sinabi ito ni Communications Usec Claire Castro, kasunod ng nag-viral na video sa social media, kung saan hinarang ang bagahe ng isang senior citizen sa paliparaan noong Marso 6, matapos umanong kakitaan ng bala o anting-anting sa kaniyang gamit.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng opisyal na hindi maganda kung mauulit na naman ang modus na ito, lalo na kung turista o kapwa Pilipino ang mabibiktima.



Pagtiyak ni Castro na hindi aniya ito papayagan ni Pangulong Marcos.

Ayon sa opisyal, sa oras na matapos na ang malalimang imbestigasyon sa insidente, at mapatunayan na mayroong mga iilan na nagsabwatan para dito, makakaasa ang publiko na aalisin ang mga ito sa serbisyo.