Advertisers
WALA pang natatanggap na kopya ng warrant of arrest na inisyu ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulo Rodrigo Duterte.
Naghihintay pa ang Malakanyang ng opisyal na kopya ng sinasabing warrant of arrest.
Pahayag ni Palace Press Officer, USec Atty. Claire Castro na hindi nila makumpirma ang impormasyong ito hangga’t wala silang nakukuhang pisikal na kopya ng arrest warrant.
Ani Castro, dahil hindi na miyembro ng ICC ang Pilipinas may iba’t ibang option aniya ang ICC para iparating sa pamahalaan ang warrant of arrest kung meron man silang inisyu.
Maari aniya itong ipadala sa office of the president, sa Dept. of Justice o sa bansa kung nasaan naroon ngayon ang taong subject ng arrest warrant.
Sakali aniyang may makuha silang official copy ng warrant of arrest, agad nila itong isasapubliko. (Vanz Fernandez)