Advertisers
INIHAYAG ni Justice Department Assistant Secretary Mico Clavano IV na desisyon na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung pipigilan o hahayaan ang pagsisilbi ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ito ni Clavano kaugnay sa mga ulat na nagpalabas na ang ICC ng kautusan para arestuhin si Duterte.
Idinagdag pa ni Clavano na naipaliwanag na kay Pangulong Marcos ang mga maaring mangyari kung papayagan niya o hindi ang pag-aresto kay Duterte.
Sinabi rin ni Pangulong Marcos na handa ang gobyerno sa pamamagitan ng National Central Bureau (NCB) na iproseso ang red notice ng Interpol kaugnay sa arrest warrant ng ICC.