Advertisers
SUMIKLAB ang sunog sa gusaling kinaroroonan ng Century Merchandising Store sa Apolinario Mabini Avenue, Poblacion 4 ng Tanauan City, Batangas 8:55 ng umaga nitong Linggo.
Ayon sa mga Fire Marshall Investigator ng Bureau of Fire Protection ng Tanauan City nagsimula ang sunog sa ibabang bahagi ng establisimyento na may mga nakaimbak na mga foam at plastic kaya’t mabilis na kumalat ang apoy sa kabuoan ng gusali, kung saan nadamay din ang isang shopping center, appliances center at iba pang mga tindahan tulad ng ukay ukay at mga cell phone stores,
Iniakyat na sa ikalawang alarma ang sunog 9:00 ng umaga at ala-1:00 ng hapon idineklarang fire out na ang sunog at tinatayang aabot sa halagang P180,000.000.00. ang mga paninda at ari-arian ang nilamon ng apoy at walang napaulat na mga nasaktan at nasawi.
Inaalam pa hanggang sa ngayon ang pinagsimulan ng pagkalat ng apoy sa nangyaring sunog.(Koi Laura)