Advertisers
TULOY ang martsa ng Top-seeded National University Nazareth School (NUNS) sa finals matapos mapatalsik ang Adamson University with a 64-62 wagi Linggo sa UAAP Season 87 boys’ basketball sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan.
Pinamunuan ni Miguel Palanca ang opensa ng Bullpups sa iniskor na 13 points at 14 rebounds, upang tulungan ang team na umabante sa kanilang pangalawang dikit na championship appearance at 11th sa huling 12 games.
Makakatous ng NU ang No.2 University of Santo Tomas (UST), na tumalo sa No.3 Far Eastern University-Diliman, 75-63, sa preliminary round.
NUNS, runner-up sa Adamson nakaraang season, nagrally sa fourth quarter para maagaw ang lead sa 53-49 sa pamumuno ni Palanca, Jedric Solomon, Alnhumaeri Usop at Miekho Natinga, bago pinoste ang pinakamalking agwat na 61-53, sa 2:54 na lang ang natitira.
Pinuri ni Coach Kevin De Castro ang paging matatag ng kanyang players.
“First of all, I want to thank my players because this is the kind of game I was looking for from them. The biggest question for them has always been: Who is going to step up?” Wika ni De Castro.
Collins Akowe nagdagdag ng 11 points at six rebounds, Miekho Natinga umiskor ng 11 points, at Mot Matias may eight points, four rebounds, three assists, at two steals.
Mark Esperanza pinamunuan ang Baby Falcons sa 24 points, six rebounds, at six assists; sinundan ni Sanir Sajili ng 10 points at six rebounds; at CJ Umali may seven points, five rebounds at four assists.
Samantala,Joaquin Ludovice nagdeliver ng 16 points,four rebounds,four assists at two steals,habang si Koji Buenaflor at Charles Bucsit bumakas ng tig-15 points, para sa UST,na bumalik sa finals sa unang pagkakataon in 15 years.