Advertisers
ANG New NAIA Infra Corp. (NNIC) operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay nag-aanunsyo na ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero sa NAIA ay pinagsama-samang pagsisikap ng maraming ahensya ng gobyerno, bawat isa ay may kanya-kanyang responsibilidad.
Ang Office for Transportation Security (OTS), sa ilalim ng Department of Transportation, ang tanging namamahala sa screening ng seguridad, kabilang ang mga x-ray baggage inspection sa lahat ng paliparan sa bansa.
Tungkol sa mga ulat ng hinihinalang basyo ng bala na nakita sa bag ng isang pasahero sa screening noong March 6, 2025 sa NAIA Terminal 3, agad na nakipag-coordinate ang NNIC sa OTS at nirepaso ang CCTV footage na may kaugnayan sa nag-viral na videos.
Nanguna ang OTS sa imbestigasyon at maglalabas ng pahayag upang talakayin ang kanilang mga natuklasan at anumang susunod na hakbang.
Para maiwasan ang mga katulad na insidente at palakasin ang kumpiyansa ng publiko, nakikipagtulungan ang NNIC sa OTS para palakasin ang pagsubaybay sa seguridad, wastong pamamaraan ng screening, at transparency sa mga operasyong panseguridad.
Ang NNIC ay nananatiling nakatuon sa pakikipagtulungan sa OTS at iba pang mga awtoridad upang magbigay ng ligtas at tuluy-tuloy na karanasan sa paliparan para sa lahat ng mga manlalakbay.
Para sa mga katanungan tungkol sa mga pamamaraan ng seguridad at pagsisiyasat, isinangguni ng NNIC ang mga pasahero sa OTS. (JOJO SADIWA)