Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
UMIYAK si McCoy de Leon sa premiere night ng pelikulang “In Thy Name” na pinagbibidahan niya.
Naging emosyonal si McCoy sa mensahe sa kanya ng ng kanyang ina.
“I’m proud of you, anak, I’m happy for you,” ang sinabi ng ina ni McCoy, “sobra, sobra, sobrang proud, I love you!
“Happy lang talaga ako and proud na proud talaga. God bless you anak, and more power,” ang naiiyak ring sinabi ng ina ni McCoy.
Gumanap si McCoy bilang paring si FR. Rhoel Gallardo na nagsakripsiyo ng buhay noong 2000 sa kainitan ng labanan ng mga sundalo at grupong Abu Sayyaf sa Basilan.
Paano nasubukan ang pananampalayata ni McCoy sa paggawa ng “In Thy Name” na palabas na ngayon sa mga sinehan?
Sagot ni McCoy, “Tulad po ni Father Rhoel naniwala lang din siguro ako kung ano yung ibibigay sa akin ng Diyos.
“Sa totoo lang po tinesting ko yung sarili ko, almost two years akong nagkontrabida and aaminin natin na minsan nai-imbibe mo na sa sarili mo.
“Pero sabi ko, pagka nilimitahan ko yung sarili ko sa ganitong role, hanggang liliit yung puwede kong gampanan.
“Sabi ko what if kaya sabayan ko and blessing na binigay sa akin ni direk Ceasar itong film, in-oo-han ko agad and sabi ko hindi ko puwedeng palagpasin itong pelikula na ito nang hindi ko naipakita yung pagiging ibang side ko.
“Kasi pag hindi ko naipakita yung soft side ko or ibang klaseng atake ng character nandun na ako sa kumportableng role ko lagi.
“And dagdag ko po sa sagot ko, ang pagiging, sabihin po natin, lead sa isang film ay hindi magiging kumpleto kasi kung napapansin niyo po, ako ay taga-react lang kung paano nila ako inaatake, yung mga kontrabida.
“Kaya hindi ko makukuha ngayon yung credits lahat ng akin lang, ibabaling ko ito, ikakalat ko ito kay kuya Mon, kay JC, yung mga survivor, sina Kat, sina Aya sila yung bubuo, hindi ko puwedeng gawin ito ng mag-isa.
“And share ko lang na bago mag-start yung film sabi sa akin ni kuya JC hindi ko makakalimutan ‘to, ‘McCoy susuportahan ka namin!’
“Nasa isip ko lang, ‘JC de Vera na ‘to e, bakit ganun ang sinasabi sa akin?’
“Iyon yung feeling na, ‘Sige kuya Jace gagawin natin ‘to, para sa ating lahat!’
“Kaya salamat sa mga kasama ko sa pelikula.”
Mula sa direksiyon nina Caesar Soriano at Rommel Ruiz ang “In Thy Name” kung saan co-stars ni McCoy sina Mon Confiado, Aya Fernandez, Kenken Nuyad, Jerome Ponce, Yves Flores, Ynez Veneracion, Kat Galang, Pen Medina, Alex Medina, Soliman Cruz at JC de Vera at marami pang iba.
Mula ito sa Viva Films at sa GreatCzar Media Productions.