Advertisers

Advertisers

LAWMAKER O LAWBREAKER? PAMMY ZAMORA, HULI SA KOLORUM NA SASAKYAN!

0 1,065

Advertisers

TAGUIG CITY – Sa halip na maging ehemplo sa pagsunod sa batas, tila siya pa ang lumalabag! Nahuli sa akto ang sasakyang ginagamit ni Congresswoman Pammy Zamora na kolorum—walang LTFRB franchise, hindi tama ang kulay, at walang kaukulang permit!

Ayon sa mga awtoridad, ang sasakyang may malaking larawan ng mambabatas ay ginagamit umano bilang for-hire service kahit wala itong tamang dokumento. Dahil dito, agad itong na-impound!

“Kung ordinaryong mamamayan ang lumabag, tiyak na may multa agad! Pero siya, isang mambabatas pa man din, eh lumalabag mismo sa batas!” sabi ni Mang Nestor, isang jeepney driver sa Taguig.



Hindi lang ito ang isyu laban kay Zamora! Lumabas rin ang impormasyon na ilan sa kanyang mga events sa lungsod ay walang kaukulang permit. Maging ang pagpapatayo ng kanyang headquarters, wala raw maipakitang building permit!

“Nakakagalit! Tayo nga, kahit maliit na negosyo, daming permit na kailangang ayusin. Pero siya, porke’t may posisyon, parang may sariling batas? Hindi patas ‘yan!” himutok ni Aling Rosa, isang tindera sa palengke.

Ano na, Congresswoman? Kailan mo ipapakita ang respeto sa batas na dapat mong ipatupad?