Advertisers
KINUMPIRMA ng Office of the Vice President (OVP) na kasalukuyang nasa Hong Kong si Vice President Sara Duterte.
Ito ay para dumalo sa “Pasasalamat kay PRRD with OFWs” na ginawa sa Wan Chai Hong Kong nitong Linggo, Marso 9.
Naiulat din na ang nasabing event ay isang campaign sortie ng PDP Laban kung saan inaasahan na dadalo ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing pagtitipon.
Ayon sa Office of the Vice President na babalik din agad sa bansa si VP Sara upang dumalo sa mga pagdiriwang ng Araw ng Dabaw.