Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
KAHIT hindi pa umaamin, obvious naman na jowa na ni Andrea Brillantes ang basketeer na si Sam Fernandez, na isang Filipino-Jordanian.
Pagkatapos kasi silang makitang nag-date sa isang restaurant noong nakaraang Valentine’s Day, kalat ngayon ang larawan kung saan nakitang magka-holding hands sila habang naglalakad.
Naispatan sila sa isang frisbee event sa Sta. Rosa, Laguna, base sa ibinahaging video sa TikTok ni @imlovely_08.
May isa pang larawan na makikitang nanonood sa field ang rumored couple.
So, kung ganyang nag-date sila noong Valentine:s Day at nakita nga silang magkasama na magka-holding hands, ibig sabihin may something na nga sa dalawa,di ba?
Hindi naman sila magho- holding hands kung wala silang relasyon. Sabi nga ng kasabihan, ‘action speaks louder than words’
Hintayin na lang natin kung kelan aamin si Andea na may bago na ngang nagmamay-ari ng puso niya.
***
SA isang panayam kay Sharon Cuneta, natanong siya kung sino pa sa mga artista ang hindi pa nya nakakatrabaho ang gusto nyang makasama kung sakaling gagawa uli siya ng pelikula.
Ang sagot niya, sa boys ay si Piolo Pascual, sa babae naman ay si Judy ann Santos.
Ibinring-up naman ni Megastar na dati raw, may sinabi na sa kanya na idea sina Deo Endrinal (RIP) at Cory Vidanes na pelikulang pagsasamahan nila ni Papa P pero hindi natuloy.
Si Juday, nakasama na naman ni Sharon sa pelikulang Magkapatid noong 2002.
Dahil naging close while doing that film kaya gusto siya ulit makatrabaho ng mommy ni KC Concepcion.