Advertisers

Advertisers

McCoy halos mabaliw sa pelikula

0 10

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

MABIGAT ang papel ni McCoy de Leon bilang paring si FR. Rhoel Gallardo na nagsakripsiyo ng buhay noong 2000 sa labanan ng mga sundalo at grupong Abu Sayyaf sa Basilan.

Heavy drama at intense ang mga eksena ni McCoy sa pelikula.



Lahad niya, “Actually nakakabaliw po talaga, nakaka-confuse sa utak po.

“Kasi madali po gawin yung mga physical na movement like pagiging soft ko lang as Father Rhoel and siguro ang nakatulong sa akin dito yung sobrang pagiging religious person talaga.

“Ito talaga yung reason, naging faith ko talaga na nagpatulong ako sa Diyos at kay Father Rhoel na malagpasan ko ito, maitawid ko itong pelikula.

“Kung napapansin niyo po si Father Rhoel tahimik lang siya, binigay ko yung parang tahimik na atake ng isang character.

“Based kasi sa research namin na natutunan ko kay Father Rhoel sobrang soft-spoken niyang tao and sabi ko paano ko siya magiging strong as a person, si Father Rhoel sa pelikula?



“Iyon lang pala yung sagot, yung faith yung pinaingay ko sa kanya, kaya kung mapapansin niyo pag iiyak ako pinipigilan ko, pag iiyak ako ayokong ipakita sa mga kasamahan kong survivor.

“IIyak lang ako pag mag-isa ako, pag walang nakatingin.

“Kaya iyon siguro nakatulong din po na medyo naka-relate ako kay Father Rhoel, na malapit sa akin nung natutunan ko yung history niya, paano siya makitungo sa tao.

“Hindi ko na maisa-isa pero alam mo yung feeling na hindi mo naman kamag-anak pero parang konektado kami?”

Ayaw solohin n McCoy ang credit sa pelikula.

Ang pagiging, lead sa isang film ay hindi magiging kumpleto kasi kung napapansin niyo po, ako ay taga-react lang kung paano nila ako inaatake, yung mga kontrabida.

“Kaya hindi ko makukuha ngayon yung credits lahat ng akin lang, ibabaling ko ito, ikakalat ko ito kay kuya Mon, kay JC, yung mga survivor, sina Kat, sina Aya sila yung bubuo, hindi ko puwedeng gawin ito ng mag-isa.”

Mula sa direksiyon nina Caesar Soriano at Rommel Ruiz ang “In Thy Name” kung saan co-stars ni McCoy sina Mon Confiado, Aya Fernandez, Kenken Nuyad, Jerome Ponce, Yves Flores, Ynez Veneracion, Kat Galang, Pen Medina, Alex Medina, Soliman Cruz at JC de Vera at marami pang iba.

Mula ito sa Viva Films at sa GreatCzar Media Productions.