Advertisers
DINOMINA ng De La Salle University ang University of the East sa straight-set victory, 26-24, 25-13, 25-23, sa UAAP Season 87 men’s volleyball tournament sa SM Mall of Asia Arena Sabado.
Pinamunuan ni Michael John Fortuna ang opensiba ng Green Spikers sa iniskor na 13 points, blocks, habang si Vince Gerard Maglinao nag-ambag ng 11 points at eight digs, upang tulungan ang La Salle na makuha ang s 3-2 record para sa fourth place.
Noel Kampton nagdagdag ng eight points.
Ang UE ay nanateling winles sa 0-6 sa kabila ng 10-point effort ni rookie Roy Gabriel Piojo.
Makakaharap ng Da La Salle ang Ateneo de Manila University sa Miyerkules.