Advertisers

Advertisers

Karahasan sa magsasaka sa Negros binatikos

0 23

Advertisers

TINULIGSA ng Task Force Mapalad (TFM) isang grupo ng mga magsasaka ang umano’y nagaganap na karahasan sa agrarian community ng Negros Occidental at hiniling ang agarang imbestigasyon dito.

Sinabi ng TFM sa gitna ng dumaraming insidente ng karahasan, harassment, puwersahang pagpasok sa sinasakang lupa ng magsasaka, sa Negros Occidental walang aksyon ang gobyerno sa pangunguna ng Department of Agrarian Reform (DAR) at ang PNP para protektahan ang mga magsasaka.

Bunsod nito nagbabala ang national peasant federation ng Task Force Mapalad (TFM) na maaaring sumunod ang mga pagpatay sa gitna ng tumitinding paglaban ng mga haciendero (panginoong maylupa) at ariendadors (lessees) laban sa land-to-the tiller program ng gobyerno upang muling angkinin ang lupa ng mga magsasaka.



“Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang magsimula ang mga marahas na insidente sa dalawang agrarian reform communities sa probinsya. Patuloy pa rin umano hanggang ngayon ang malupit at kriminal na gawain ng mga haciendero at ariendador laban sa mga farmer-beneficiaries. Pero nasaan ang DAR sa lahat ng ito?” ani TFM president Teresita Tarlac.

“Lawlessness and impunity are worsening in these farms. DAR Secretary Conrado Estrella, will you wait for the blood of the CARP beneficiaries to spill in the land before you act? Why are you neglecting or even abandoning your primary mandate of protecting a peasants and disciples?” aniya, ang ginawa ng DAR sa ngayon ang pagsasagawa ng mga diyalogo sa mga magsasaka ng TFM.

Binatikos din ng TFM ang DAR sa pangunguna ni Sec. Conrado Estrella dahil umano sa kawalang aksyon sa ginagawang karahasan ng mga goons at paglabag sa karapatang pantao ng mga magsasaka sa naturang lalawigan.

Samantala sinikap naman ng sumulat na makuha ang panig ng mga opisyal ng DAR partikular ang Public Assistance and Media Relations Service (PAMRS) ng DAR, subali’t nabigo ang sumulat dahil hindi sumasagot ang mga opisyal nito sa chat at message sa cellphone.(Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">