Advertisers
MAKIPAGTAGISAN si EJ Obiena laban sa pinakamahuhusay na pole vaulter na pinamunuan ni world record Duplantis kapag sumabak sa 2025 Mondo Classic sa IFU Arena sa Uppsala, Sweden sa Huwebes Marso 13.
Ang tournament ay magsilbing huling indoor event ni Obiena bago mag focus sa kanyang preparasyon sa outdoor season, kung saan siya ay sasabak sa three major events sa Asian Championships sa Gumi, South Korea sa Mayo 21 to 31, Ang World Outdoor Championships sa Tokyo, Japan sa Setyembre 13 to 21, at ang Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand sa Disyembre 7 to 19.
Umaasa ang world No. 4 Obiena ng isa pang shot sa podium dito sa indoor gala event matapos magwagi ng bronze via countback nakaraang taon sa taas na 5.91 meters sa likuran ni Duplantis (6.10m) at American KC Lightfoot (5.91m).
Sa totoo lang ang Mondo classic ay magsilbing lead-up sa World Indoor Championship sa Nanjing, China sa Marso 21 to 23, Pero hindi na qualify si Obiena at naabot ang qualifying standard na 5.85 meters sa window period matapos mag focus sa pagpagaling ng kanyang back injury na natamo sa panahon ng kanyang training para sa Paris Olympics nakaraang taon.
Bukod kay Duplantis, na sasabak dito sa event ay sina Paris Olympics silver medalist Sam Kendricks ng United States at bronze winner Emmanouil Karalis ng Greece, pati ang kapwa Olympians Kurtis Marschall ng Australia, Sondre Guttormsen ng Norway, Thibaut Collet at Renaud Lavillenie ng France, Ben Broeders ng Belgium, at Ersu Sasma ng Turkey.
Lahat ng kalahok ay may average na 5.80 alin man sa kanilang personal best,pati na rin ang kanilang performance sa nakaraang Olympics.
Obiena ay may season-best na 5.80 na kanyang naitakda sa Orlen Copernicus Cup sa Torun, Poland nakaraang buwan, nagtapos siya fourth sa Paris Olympics sa 5.90m.
Tulad ng Inaasahan, ang two-time Olympic champion Duplantis ang nangunguna sa cast matapos basagin kamakailan ang kanyang sariling word rekord na 6.27 meters sa All Star Perche, Ang World Athletics Indoor Tour silver meeting sa Clermont-Ferrand, France nakaaang Enero 28.