Advertisers

Advertisers

Digong ‘tumakas’ sa ICC arrest warrant

0 33

Advertisers

INILABAS na raw ng International Criminal Court ang arrest warrant laban kay dating Pangulo Rody Duterte nitong Sabado, Marso 8, sa kasong ‘Crimes against humanity’ kaugnay ng mga pagpatay sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Dalawang araw bago lumabas ang nasabing arrest warrant, si Duterte kasama ang kanyang pamilya ay lumipad patungong Hong Kong para raw ikampanya sa OFWs ang kanyang mga kandidato sa pagkasenador.

Maliban sa kanyang pamilya, kasama rin ni Duterte ang mga dating opisyal ng pulisya at dating direktor ng National Intelligence Coordinating Agency na kasama sa nakasuhan ng ICC.



Sumunod din sa Hong Kong si Vice President Sara Duterte, na idinawit din sa krimen matapos ibunyag ng dating PCSO manager na dating Davao City police na si Col. Royina Garma sa Davao Death Squad.

Maliban kina Duterte, kasama sa mga kinasuhan ng ICC sina dating PNP Chief ngayon ay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, ang namuno sa pagpatupad ng madugong Tokhang na ikinasawi ng naraming inosente pati mga kabataan.

Wala pang balita kung tumakas o nagtago narin si Bato.

Posible umanong dumiretso ng China ang grupo ni Duterte para doon magpaprotekta sa China govt na kanyang kaibigan.

Ang PNP ang magpapatupad ng arrest warrant sa pakikipag-ugnayan ng International police.