Advertisers

Advertisers

Digong et al… tumakas sa ICC arrest warrant?

0 3,894

Advertisers

LAMAN ngayon ng social media at ilang online news company ang umano’y pagtakas ni dating Pangulo Rody “Digong” Duterte at kanyang mga dating opisyal na nasa likod ng madugong giyera kontra illegal drugs, matapos ang umano’y nag-leak na paglabas ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa mga ito.

Nitong Sabado ng hapon ay nakita si Digong sa Causeway Bay sa HongKong kasama ang ilang miyembro ng kanyang pamilya (asawang si Honeylet at kanilang anak na si Kitty) at mga dati niyang opisyal para umano ikampanya ang kanyang mga kandidatong senador.

Pero ayon sa mga balita, pumunta ng HongKong si Digong na posible umanong dumiretso ng China para doon magtago matapos matunugan na naglabas na raw ng arrest warrant ang ICC laban sa kanila.



Ang mga dating opisyal na kasama ni Digong ay ang dati niyang Executive Secretary na si Salvador Medialdea, ex-PNP intel chief Nelson Quinsay at kanyang misis, ex-Police officer Filmore Escobal at kanyang misis, at dating National Intelligence Coordinating Agency (NICA) director-general Alex Paul Monteagudo na pawang isinasangkot sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Sumunod din kay Digong ang kanyang anak na si Vice President Sara Duterte na isinangkot din sa Davao Death Squad (DDS) ng umaming dating hitman nito na si ex-police sergeant Arthuro Lascanas.

Hindi naman mahagilap ang dating Chief PNP ni Duterte na ngayo’y reectionist Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na siyang nasa likod ng “Tokhang” kaugnay ng giyera kontra droga, na sinasabing higit 30,000 ang pinatay, ayon sa human rights groups pero sa datus ng PNP noon ay higit 5,000 lang ang tinodas.

Kung totoo ngang naglabas na ng arrest warrant ang ICC, ang magpapatupad nito ay ang PNP partikukar ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na pinamumunuan ni Major General Nicolas Torres, ang umaresto sa puganteng si Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdon of Jesus Christ (KOJC) na nahaharap sa mga kasong panggahasa at pang-aabuso sa mga dating miembro ng kanyang kulto.

Sinasabi ng mga DDS na “fake news” ang ICC warrant of arrest. Kasi nga naman hindi pa kinumpirma ng ICC ang paglabas nila ng warrant. Kung totoo raw na may warrant, dapat ipost ng ICC o ito mismo ang maglabas ng pahayag tulad ng ginawa nito sa ibang nakasuhan ng ‘crimes against humanity’.



Matatandaan na inanunsyo ni dating Senador Antonio Trillanes, isa sa mga nagsampa ng kaso laban kay Digong, na posibleng sa 1st quarter ng 2025 maglalabas ng arrest warrant ang ICC laban sa mga nasa likod ng mga pagpatay noong Duterte administration, kungsaan karamihan sa mga politiko na pinaslang ay mga kalaban ng Duterte sa politika.

Sa nakaraang House Quad Committee hearings, sinabi sa kanilang resolution na ang “peke” ang war in drugs ni Duterte, na ginawa lamang ito para patahimikin ang mga kalaban sa negosyong droga.

Napatunayan na ang drug lords na sina Michael Yang, Charlie Tan, Peter Lim ay mga “kumpare” ni Duterte. Ang tatlong ito, na isinasangkot sa pagpasok ng bilyon bilyong halaga ng shabu sa bansa, ay nawala nang matapos ang termino ni Duterte noong 2022.

Ang nasabing drug lords ay barkada rin ng mga anak ni Digong na sina Congressman Polo, Mayor Baste, at mister ni VP Sara na si Mans Carpio.

Balikan natin ang ICC arrest warrant, hindi pa ito kinumpirma ng ICC at ni Trillanes, let’s wait!!!