Advertisers

Advertisers

3 pulis sakay ng patrol car nahulog sa bangin

0 8

Advertisers

Nagtamo ng minor injuries ang tatlong pulis ng Alimodian PNP nang mahulog sa bangin ang sinasakyang patrol car sa Brgy. Tabug, Alimodian, Iloilo, Sabado ng umaga March 8, 2025.

Nakilala ang mga pulis na nasugatan na sina Police Chief Master Sergeant Edson Aldomia, Police Master Sergeant Angelo Amoyan, at Police Master Sergeant Bert Martine Ganaraga.

Sa imbestigasyon ng Alimodian PNP, sakay ang tatlong pulis sa patrol car at papunta sana sa isang lugar sa nasabing barangay para rumesponde sa isang report pero pagdating sa paakyat na bahagi ng kalsada ay nawalan ng kontrol ang driver ng patrol car at nahulog sa bangin.



Tinatayang nasa 20 metro ang lalim ng bangin kung saan nahulog ang patrol car.

Kaagad namang rumesponde ang mga rescuer at mabilis na binigyan ng paunang lunas ang mga naaksidenteng sarhento.