Parada ng mga barangay sa Dist. 4 sa paggunita sa Nat’l Women’s Month, pinangunahan ni Konsi Bong Marzan
Advertisers
PINANGUNAHAN ni Asenso Manileño candidate for Councilor sa District IV, Konsi Bong Marzan ang parada ng mga barangay sa nasabing distrito bilang paggunita sa selebrasyon ng National Women’s Month ngayong buwan ng Marso.
Suot ang purple colored t-shirts ang mga kinatawan ng anim na malalaking barangay sa Sampaloc ay nagsimulang pumarada sa Craig St, Brgy. 497 kung saan si Marzan ang Punong Barangay.
Kabilang sa mga barangay na nagpakita ng kanilang suporta sa kababaihan, partikular sa kababaihan ng Sampaloc ay ang Brgy. 500 sa ilalim ni Ch. Agnes Redita, Brgy. 492 sa ilalim ni Ch. Mario Lopez, Brgy. 493 sa ilalim ni Ch. Josephine Servant, Brgy. 501 sa ilalim ni Ch. Alberto Conception, Brgy. 502 sa ilalim ni Ch. Jose Dee at Brgy. 497 sa ilalim ni Ch. Bong Marzan.
Bago nagsimula ang parada ay nagbigay ng kanyang maikling mensahe si Marzan sa kahalagahan ng nasabing okasyon at bilang parangal sa mga natanging ambag ng mga kababaihan sa larangan ng palakasan, pulitika, kultura, sining at agham.
Aniya, isa sa pinakamalaki at natatanging ambag ng mga kababaihan ay ang pagiging ina kung saan sa loob ng siyam na buwan ay dinala at inaruga tayo sa kanyang sinapupunan.
Sinabi pa ni Marzan na wala ng hihigit pa sa pagiging isang Ina ng babae bilang natatanging ambag.
Binigyan papuri din ni Marzan ang pagiging isang ina ng lungsod ng Maynila ni Manila Mayor Honey Lacuna, kung saan tinanggihan nito ang alok na pamunuan ang PhilHealth dahil bilang isang babae at iba ay mas kailangan ng Maynila ang isang ina lalo na sa panahon ng isang malaking pagsubok. Bilang isang tunay at totoong ina ng mamamayan ng Maynila, kailangan nila ang Ina na gagabay at dadamay sa lahat ng kanilang pangangailangan na libreng naipagkakaloob sa pamamagitan ng tunay na pagkalinga. (ANDI GARCIA)