Advertisers

Advertisers

Victorias City host ng Futsal World Cup

0 9

Advertisers

VICTORIAS City sa Negros Occidental ang isa sa napili na maging venue ng unang first FIFA Women’s Futsal World Cup na nakatakda simula sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 7 ngayong taon.

Ang laro para sa makasaysayang hosting ng bansa ng World Cup ay gaganapin sa Victorias City Coliseum, maliban sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Sixteen teams mula sa anim na international confederations ang nakatakdang sumabak para sa prestihiyosong titulo.



Opisyal na inanunsyo ng Victorias City ang kanilang hosting ng FIFA Women’s Futsal World Cup sa ginanap na signing of the agreement noong Pebrero 26 sa Victorias City Hall.

Ang agreement ay nilagdaan ni Mayor Javier Miguel Benitez at Philippine Football Federation (PFF) president John Anthony Gutierrez.

“This is extremely historic for the city of Victorias,” Wika ni Benitez.

Bilang host country, ang Pilipinas ay awtomatikong nakasiguro ng slot para sa kumpetisyon.

Ininspeksyon ng team mula sa FIFA ang world’s governing body ng football, ang Victorias Coliseum nakaraang buwan para e-asses ang pasilidad sa venue at bilisan ang preparasyon para sa international event.



“We as a city and a community can’t let this opportunity pass,” tugon ni Benitez.

Samantala, lumagda ang Victorias City ng kasunduan sa Loyola Football Club, , a professional football team, na lalo pang pagandahin ang grassroots program para sa football sa rehiyon.